XXXXIV

11.3K 392 75
                                    


STORME LAVIER

"Hey.. Bakit ba kanina ka pa nakasimangot dyan? Ang ganda nang panahon oh, hindi masyadong mainit. Pero yang ulo mo ata yung mainit." Naiiling na sabi ko kay Autumn habang nakaupo kami sa buhangin na nilatagan lang namin nang tela.

Kanina pa kase sya nakasimangot. Parang nagsisisi na ata ako na hiniling kong bumalik ang dati nyang ugali, very wrong. tsk.

"Bakit ba kase ganyan ang suot mo?" medyo asar na sabi nya at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa suot ko.

I'm wearing a two piece yellow bikini. Nakasanayan ko na din kase dahil liberated ang mga tao sa ibang bansa.

"What? This is normal, sa ibang bansa nga wala pa silang suot e." I said with a shrug.

"So ano? gusto mong gumaya?" Asar na sabi nya, mas uminit ata ang ulo nya. tsk.

"Alam mo, mag swimming nalang tayo. Para at least hindi mo na mapagdiskitahan tong suot ko este para lumamig yang ulo mo." Naiiling na sabi ko at hinila sya patayo pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa dagat.

Sya kase ay naka rushguard, and I know gusto nya ding mag two piece pero hindi nya magawa, and I'm liking it that way.

"Do you know how to swim?" Tanong ko sakanya. Lagi lang kase syang nakatayo at nagbababad.

"Nope." umiiling na sabi nya

"Let me teach you." Sabi ko at lumapit sakanya.

"Dapa ka tapos padyak mo paa mo. I'll hold your hand, don't worry." Sabi ko sakanya bago hinawakan ang dalawang kamay nya.

She hesitated at first pero sumunod naman sya. Nakadapa sya at nasa tapat nya ako at hawak sya sa kamay habang pumapadyak sya.

Pagkatapos ay tinuruan ko syang gamitin ang mga kamay nya.

"Oh My God! Papatayin mo ba ako?! Gosh!" Galit na sabi nya habang naghahabol nang hininga dahil lumubog sya at hindi naman umaandar kahit todo padyak sya.

Hindi ko napigilang matawa sa itsura nya. Galit na galit e. This is the first time na nag burst out sya.

"Tuwang tuwa kapa? e kung lunurin kaya kita?!" Mataray na sabi nya kaya itinaas ko ang dalawang kamay ko as a surrender sign.

"Chill! Mali naman kase yung padyak mo. Paabutin mo hanggang taas, hindi yung nakalubog lang." Sabi ko sakanya "Let me hold you here. para hindi lumubog." Dagdag ko at hinawakan sya sa bewang pagkatapos ay dumapa sya at pumadyak.

Our swimming lesson ended nang hindi sya natuto dahil takot syang malunod. Akala mo naman hindi ko sasagipin. tsk.

Nagpunta kami sa isang seafood restaurant malapit sa bahay para kumain nang makapagpalit kami. Napagod kase kami kaya kahit 4pm palang ay mag early dinner na kami.

"Hi!" Masayang bati nang isang crew samin. She's widely smiling at me and it's a bit creepy. Kaya tipid lang akong ngumiti.

Dinala nya kami sa isang bakanteng table. Pagkatapos ay binigay nya sakin ang menu. Hindi talaga sya umalis at nakangiti lang na nakatingin sakin.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon