XXII

10.9K 410 76
                                    


STORME SWEVEN

"Why are you suddenly grade conscious?" Takang tanong ni Mam habang nandito kami sa bahay nya. May kung ano syang ginagawa sa laptop nya habang ako ay nagrereview.

Ngayon ay kahit quiz lang ay nagrereview ako. Madalas din ay nag a-advanced reading na din ako. Yep. Isinubsob ko ang sarili sa pagaaral.

"Bakit bigla ka naman atang sumipag?" Dagdag nya nang hindi ko sya pinansin habang nakaupo ako sa sofa habang sya ay nasa flooring.

"Matagal na kaya akong masipag. Di mo lang alam." Sabi ko sakanya

"San banda?" Sinamaan ko sya nang tingin sa sinabi nya.

Fine. Hindi naman talaga ako mahilig magaral. Go with the flow lang. Stock knowledge kung baga. Pero ngayon kailangan kong ayusin. Ayoko nang dagdagan ang hadlang samin.

Isang malaking sampal kase sakin ang social status nya. Para akong dukha tapos maharlika sya. tsk.

"Bawal na bang magaral nang mabuti ngayon? Ayaw mo ba?" Kunot noong tanong ko sakanya

"I do like your look every time na seryoso kang nagaaral. Naninibago lang ako, people die when they try to do things they don't usually do." She said with a shrug.

"So gusto mo kong mamatay?! Grabe ka talaga sakin."

"That's not the point. Tsk. Nakakapanibago ka kasi, stop stressing yourself." Naiiling na sabi nya bago nagpatuloy sa ginagawa nya.

Bakit nga ba ako nandito? Hindi ko din talaga alam. Basta nalang ako niyaya ni Mam at syempre si marupok na ako ay pumayag naman agad.

"I'm not stressing myself. I'm trying to be the better version of me." I said bago muling nagpatuloy sa pagbabasa.

"Wow. Big word." Gulat na sabi nya na syang ikinailing ko nalang, ganun ba ka big deal pag nagaaral ako? tss.. "Want some help?" Rinig kong tanong nya kaya umiling lang ako.

"tss.." I heard her bago ko narinig ang muling pagtipa nya sa keyboard.

"Miss Hernandez." Biglang dating ni Mizy. Yung katulong dito sa bahay ni Mam. Yung cute na mukhang cosplayer. Kay napatingin ako. "Lunch is ready." dagdag ni ate

"Hi!" Bati ko sakanya nang magtama ang paningin namin. She really looks cute kasi.

"H-hello." Alanganing bati nya kaya napangiti ako. Ang cute nya, mukha talaga syang lumabas mula sa anime e.

Nakita kong namula ang pisngi nya at agad na nagiwas nang tingin sakin. Bigla nalang akong nakaramdam nang isnag hampas sa binti ko kaya napa aray ako.

Tumingin ako kay Mam na masama ang tingin sakin. Ano nanaman?! Nananahimik ako dito ah.

"Go!" Sabi nya kay Mizy kaya mabilis pa sa alas kwatrong umalis si ate bago ako balingan nang tingin ni Mam "And you. Sa susunod wag ka nang pupunta dito!" Inis na sabi nya at iniwan na ako.

Luh? Bakit?

Agad akong sumunod sakanya nang makabawi ako sa sakit nang hampas nya. Amasona talaga yun minsan, tsk.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon