XV

11.3K 404 93
                                    


STORME SWEVEN

Alam kong wala akong karapatang mainis dahil may kasama syang lalaki. Or kahit pa may relasyon sila at maglandian sa harap ko. Wala akong karapatan.

Pero hindi ko maiwasang masaktan. Alam kong suntok sa buwan na magustuhan nya din ako. Alam ko yun. Hindi ko lang talaga mapigilan tong puso ko kung sino ang magugustuhan nya. Kasalanan ko bang sya ang napili nito. tsk.

Tinapos ko agad ang mga exams ko para sa araw na to at agad ding umuwi. May dala akong kotse kaya mabilis lang. Ayoko nang mag commute, dahil baka mas lumalim pa tong nararamdaman ko kapag arawaraw ko syang kasama. Okay na yung sa klase lang kami nagkikita.

Tingin ko ay sapat na yung makita ko sya sa malayo. Sana nga.

Paguwi ko ay nag review pa ako para sa ibang subjects tapos ay natulog. 2pm kase ang out ko kanina kaya naman natulog muna ako nang hapon.

Nagising ako nang dinner at sabaysabay kaming kumain. Pagkatapos kumain ay nanuod kami sa sala nina Nanay at Tatay.

"Akyat na po ako Nay." Paalam ko at tumango sila and I kissed them sa cheeks and said goodnight.

Paakyat na sana ako nang makita ko si kuya sa may maliit na garden namin kaya naisipan kong lapitan sya.

Nakaupo lang sya sa damo habang may hawak na isang can nang beer.

"Problem?" Sabi ko bago naupo sa tabi nya.

"Uhmm.. Wala naman, nagpapaantok lang." Sabi nya bago umiling.

Matagal na katahimikan bago ako nagkaroon nang lakas nang loob na magsalita.

"You like her?"

"Is it obvious?" Sabi nya kaya nakaramdam ako nang kirot. Tsk. Mukhang pareho pa kami nang problema ni kuya.

"uhmm.." I hummed in response bago itinukod ang dalawang kamay sa damo sa may likuran ko at tumingala sa langit.

"I think everyone saw or knew about the PDA huh?" He said as he chuckles "Don't worry, it's not too deep. Kaya hindi masyadong masakit." Dagdag nya at uminom sa hawak nyang beer.

"Hindi masakit pero eto ka, umiinom." Naiiling na sabi ko. Kung pwede nga lang ay gawin ko din yan. Dahil tuwing naiisip ko kung gaano ka hopeless ang sitwasyon ko ay nanlulumo ako.

"Nagpapaantok lang talaga ako. I like her, yes. But I expected it to be one sided anyways. Una palang alam kong wala namang chance. Masyadong malayo ang estado namin. She's the heiress of the H.Corporation the biggest Company in our country."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. What?! She is? Kaya naman pala mansion yung bahay nya. jeez.. Mas nanliit nanaman ang tingin ko sa sarili ko.

"Kaya nga hindi ko na din inentertain yung pagkaka-crush ko sakanya. And I think my heart doesn't really love her. Masyado lang kasing mabait si Autumn. Her down to earth character charmed me. Yun lang." Paliwanag ni kuya. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nya.

Sabagay, sino ba namang hindi ma a-attract sakanya? She's smart, gorgeous and kind. Hindi nga nya pinapahalata na sobrang yaman pala nya. Nag co-commute pa nga sya e. That's really nice of her, na kahit gaano pa sya kaangat sa buhay ay simple parin syang tao.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon