XXV

10.8K 423 28
                                    


STORME SWEVEN

"Ano ba?!" Rinig kong sigaw habang naglalakad ako pabalik sa pwesto namin ni Mam kanina, galing kase akong banyo.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. What really caught my attention was the voice, parang boses ni Autumn yun ah.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Autumn sa may gilid nang isang puno na may kasamang dalawang lalaki.

Agad akong lumapit nang hawakan nung isa si Mam sa pusuhan. Abat— gago to ah.

"Bitiwan mo nga ako!" Sabi ni Autumn at pilit kumakawala dito na syang tinawanan lang nung dalawa.

Agad akong lumapit at hinawakan sa wrist ang lalaki, hinigpitan ko yon para bitawan nya si Autumn.

"Bibitawan mo sya o makakatikim ka sakin?" Banta ko sakanya. Natawa ang gago bago bumitaw.

Itinago ko sa likod ko si Autumn habang hawak ko ang kamay nya. Ramdam ko ang lamig nang kamay nya tanda na kinakabahan sya.

"Anong klasing tikim ba yan miss ha?" Nakangising aso nung isa.

Humarap muna ako kay Autumn at iniatras sya para kung sakali man ay di sya tamaan. "Stay here." Sabi ko at hinaplos ang pisngi nya bago muling binalingan yung dalawang unggoy.

Ngumisi muna ako "Eto." Sabi ko at biglang sinuntok sa mukha yung isa. Pinagiinit nya talaga ang ulo ko mula nung hawakan nya si Autumn e. How dare him lay his hands on her?!

"Abat—" Sabi nya bago pinunasan ang ilong nya dahil may tumulong dugo doon. Medyo masakit din sa kamay, ang tigas nang mukha nang gago e. tsk. Susuntukin nga sana ako nung kasama nya pero inawat nya ito.

"Masarap ba?" Nakangising sabi ko at biglang sinipa yung isa sa pinaka iingatan nya sabay suntok ulit sa isa.

Nakaiwas ako nang susuntukin ako nung isa at binigyan sya nang sipa. Madali lang naman silang mapatumba lalo na at amoy alak sila at pinuntirya ko talaga yung iniingatan nila.

Nag try din akong mag boxing dati as a hobby. Na bully kase ako so I tried to at least try learn how to defend myself, tulad nang sitwasyon ngayon.

Nang namimilipit na sa sakit yung dalawa ay agad kong hinila si Autumn paalis dahil baka makabawi pa yung dalawang unggoy.

"Are you okay?" Alalang tanong ko kay Autumn nang makalayo kami. Hinawakan ko sya sa braso at chineck kung nasaktan ba sya.

"I'm fine." Sabi nya at hinawakan ang isang kamay kong nasa braso nya

I sighed in relief pero bigla akong nainis "Bakit ba kase nandun ka? I told you to wait for me dun sa pwesto natin kanina." Sermon ko sakanya.

She just pouted at yumuko. "Sorry. Akala ko kase kung napano ka na. Baka mamaya may lumapit na sayong babae. tsk." Sabi nya

Hindi ko alam kung maiinis ako or matutuwa dahil ang cute nya. tsk.

"Tsk. Fine." Sabi ko at niyakap sya "As long as you're okay."

Kinagabihan ay nagyaya syang mag bar. May malapit kasing bar kung saan kami tumutuloy.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon