XXI

11.3K 394 169
                                    


STORME SWEVEN

"psst!"

Hindi ko pinansin yun at patuloy lang akong nagbabasa. Yep, i'm reading. Himala.

"Uyy!"

"Bagyoooo..."

"Yoohooo!"

"Ano ba?!" Inis na sabi ko at binalingan na si Eiks na kanina pa ako ginugulo. Manghang-mangha ata ang gagu at nagbabasa ako. tsk.

Kaya nga ako lumabas nang room at dinala ang upuan dito sa labas para walang maingay e. Vacant kase namin kaya parang palengke sa loob.

Sinamaan ko ang gagu dahil tumawa lang sya tapos ay naglakad na papasok sa room. Kita mo yun, siraulo talaga. tsk.

Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa. I'm reading Everyday by David Levithan. Autumn's favourite book. Bumili talaga ako para basahin at maka relate sa sinasabi nya.

Naalala ko nanaman yung nangyare sa rooftop. jeez.. Kinikilig talaga ako kapag naaalala ko yun.

Though she didn't responded to my confession, she did respond to my kisses. Dahil pagkatapos kong sabihin na gusto ko sya ay hinila nya ako at hinalikan. That's count to something, right?

Ahh basta, tingin ko ay may chance ako sakanya. Hindi naman siguro masamang magkaroon nang kahit konting hope, diba?

Nagulat ako nang may nagsara nang libro kaya nagangat ako nang tingin. Nakita ko si Mam na tiningnan kung anong binabasa ko.

Kumunot ang noo nya at tumingin sakin. I just shrugged, ibinalik nya sa pagkakabukas ang libro kung saan na ako bago bahagyang ngumiti tsaka umalis.

Nakasunod lang ang mga mata ko sakanya hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Napangiti ako at bumalik sa pagbabasa.

Success. Isa sa dahilan kung bakit dito ako sa labas nagbabasa ay dahil alam kong madadaanan nya ako. Katabi kase nang room namin ang room na tinuturuan nya.

Wala lang. Gusto ko lang ipakita na nagbabasa ako at gusto ko syang makita. landi.

After lunch ay dumeretso ako sa isang bench malapit sa room namin. Humiwalay muna ako sa barkada para mag review. May quiz kasi kami mamaya.

These days I'm trying to be a better person. naks. Gusto ko lang ayusin ang pagaaral ko. Naisip ko kasing yun lang ang kaya kong ipagmalaki kay Mam.

Nasakanya na ang lahat, wala akong laban dun. Ang meron lang ako ay ang sarili ko. I need to be better for her. Kahit yun lang.

"Hi!" Biglang may sumulpot na babae sa gilid ko. Tumingin ako kung may katabi ba ako pero wala naman.

Kaya humarap ako sakanya at itunuro ang sarili ko "Ako?"

"Yep. You, may iba pa bang tao dito?" Natatawang sabi nya.

Pero naka kunot lang ang noo kong nakatingin sakanya. Bakit? Hindi ko naman sya kilala e.

"Bakit?"

Umupo sya sa tabi ko kaya napausog ako dahil ang lapit nya sakin.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon