VII

12.1K 448 122
                                    


STORME SWEVEN

"Mga siraulo kayo!" Bulong ko sa barkada, mahina lang dahil kasalukuyan kaming nasa klase.

Pinag group kami ni Mam at syempre dahil sakto kaming lima kami ang magka-kagroup. Sawangsawa na nga ako sa mga pagmumukha nang mga to e. tsk.

"Bakit kami lang? Kasali ka uy!" Bulong naman ni Vernon

"Kaya nga, mga siraulo tayo." Dagdag ni Cold kaya napaikot ako nang mga mata.

"Bakit ba kase sinali pa natin yang si Unggoy na yan? Dapat si Dave nalang e, edi sana hindi tayo namomroblema. tsk." Sabi ni Elijah pertaining to Cold na wala din namang ginawa kundi kumindat sa mga kaklase kong babae.

"Ikaw PG ka, bakit hindi nalang kaya ikaw ang umalis? Tutal pagkain lang naman ang laman nang utak at tyan mo." Sagot naman nung isa, bangayan nanaman sila. haynako talaga.

"Hephep! Wag nga kayong magbangayan dito. Nakatingin na si Mam satin. Ang ingay nyo kase." Sabi ni Eiks kaya napatingin ako sa harapan. Naka circle kase ang mga upuan namin ngayon.

Nakita ko si Ms Hernandez na nakakunot ang noong nakatingin samin. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiwi nalang ako, ang ingay naman kase nang mga kasama ko tapos wala pa kaming nagagawa hanggang ngayon.

Paano ba naman kase wala kaming lecture. Yep kaming lima. Ang sisipag lang talaga namin no. Tapos kahit instructions wala din kaming kopya, nag cr lang ako kanina ni hindi ata sila nakinig kay Mam. Ang ending eto, nganga kami. tsk.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa apat na walang kwentang ka group ko. "Ano na tayo ngayon? tsk."

"Hoy malanding unggoy. Manghiram ka nang kopya dun sa mga kalandian mo." Sabi ni Eli.

"Oo nga par', kahit instructions lang." Sabi ni Eiks at tinapik ang balikat ni Cold kaya hindi na nakasagot sa pangaasar ni Eli.

"Gusto nyo bang ibagsak ako ni Mam? Sabi nya nga kanina diba, mind your own business. tsk." Naiiling na sagot nya.

"Putcha! e pano tayo?" Sabi ni Vernon.

"Sino ba kasing nakaisip nang idea na tayo ang magkakagroup? tsk." Asar na sabi ko sakanila.

"Eto kasing ugok na to—"

"shh..." Pagpapatigil ni Eli sa usapan dahil biglang tumayo si Mam sa upuan nya. Naglakadlakad sya, mukhang tinitingnan nya yung mga ginagawa nang bawat group.

Nagkatinginan kaming lima, parepareho kami nang naiisip— pagdating ni Mam dito sa likod wala syang makikitang progress samin, patay.

Napatingin ako kay Cold nang inguso nya yung likuran ko. Pumikit ako, nasa likod ko na si Mam, ramdam ko at naaamoy ko ang pabango nya. Nilingon ko sya at nakita kong nakakunot nanaman ang noo nya.

"huy! Kinakausap ka ni Mam." Bulong sakin ni Eli habang sinisiko ako.

Napakurapkurap naman ako, Bakit naman kase naka ayos si Mam ngayon? Maganda na sya, pero iba ngayon. Naka kulot ang buhok nya na parang alon tapos naka braid pa, yung parang naka headband sya pero braided hair. Tapos kakaiba din yung makeup nya, halatang nag effort. Natutulala tuloy ako.

"Aren't you guys going to do the activity?" Tanong nya pero sakin nakatingin. Nandyan nanaman yung teacher mode nya. jeez..

"Ah.. ano po.." hindi makasagot na sabi ni Eiks.

"Wala kaming kopya nang instructions Mam." Lakas loob na sabi ko tsaka ko kinuha yung padpaper at ballpen sa lamesa ko tsaka ko inabot sakanya "Penge." Sabi ko sakanya at inabot ang papel at ballpen tsaka ngumiti.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon