IX

11.7K 413 106
                                    


STORME SWEVEN

"Storme." Tawag sakin ni Mam nang matapos ang klase. Patay, ayoko pa naman sumama sakanya dahil nandun sa klase nya si Zed. tsk.

"Una na kayo." Sabi ko kina Eiks at lumapit kay Mam.

Tahimik ko lang kinuha ang ibang gamit nya. Alam ko namang yun lang ang kailangan nya sakin. Hindi ko nalang din sya nililingon at nagkasya nalang sa pagsanghap sa mabango nyang amoy.

"Ang tahimik mo. May problema ka ba?" Tanong ni Mam habang naglalakad kami.

"Wala po." Tipid na sagot ko sakanya. Wala naman talaga akong problema. Nababaliw lang ako.

"Ikaw haa.. Hindi mo na ata binabasa yung libro ko e. Ibalik mo nalang kaya." Change topic nya kaya napatingin ako sakanya at umiling.

"Hindi ahh.. Binabasa ko kaya." Tanggi ko sakanya kahit na medyo totoo naman yung sinasabi nya. Dalawang page palang ata nababasa ko dun e.

"Sus, Kilala kita. May pagka tamad ka." Naiiling na sabi nya.

"Hindi kaya. Ang sipag ko kaya." I said while pouting. Lagi talaga syang bully.

"San banda?" Nakangisi nyang sabi kaya sinamaan ko sya nang tingin.

"Madami lang talagang ginagawa. Dance competition, battle of the bands tapos ang dami pang projects. jeez.." Reklamo ko. Totoo naman yun. Tapos may mga minor subjects na nag fe-feeling major pa. tsk.

"Puro ka talaga reklamo."

"At least hindi ako nagpapabaya. Masipag naman ako sa klase mo diba. Naglalabas lang naman ako nang stress."

"Yep. Pero magrereklamo ka muna. Start doing and less talking, try that." Pangaral nya sakin kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Pakiramdam ko kase pag ganyan sya sakin ay mapakialam sya.

"Love!" Isang sigaw na kilalang-kilala ko. I rolled my eyes kahit na hindi ko pa sya nililingon.

"Hi Mam." Bati nya sa katabi ko nang pumasok kami sa room nila. "Love, sabay ka sakin mamaya ha.. Ako maghahatid sayo." Nakangiting sabi nya kaya siniko ko sya para makadaan ako dahil hinarangan nya ako.

"Una na po ako Mam." Sabi ko at tumango lang naman sya sakin.

"Love—"

"Ms Andres. Where do you think you're going?" Mataray na sabi ni Mam kaya pareho kaming napalingon sakanya. Palabas na kase ako nang room pero hahabol pa sakin si Zed.

Nakataas ang isang kilay nito at medyo madilim ang awra. Nakakatakot talaga pag ganyan sya. Calm but deadly. Ramdam mo sa boses nya yung pagbabanta kahit na kalmado. jeez..

"Ah.. eh.." Hindi makasagot si Zed kaya umalis nalang ako. Yan, bagay sayo. tsk. Ang kulit kase. Buti nalang hindi ako nadamay sa sungit ni Mam.

After nang practice namin nang sayaw ay agad akong umalis. Tinataguan ko kase si Zed. Hihintayin nya daw kase ako. Kaya naman habang wala sya at bumili nang miryenda ay agad akong naglakad paalis.

Ang kulit kase talaga nang isang yun. Tsk.

Nakita kong nasa kabilang kalsada si Ms. Hernandez at nakatingin sa phone nya paglabas ko nang school. Mukhang nagaabang nang jeep.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon