Epilogue

15.6K 522 134
                                    


STORME LAVIER

"Huy!" Napapitlag ako dahil sa panggugulat nang siraulong si Eli.

"Ano ba?! Bruha ka talaga!" Mahinang sabi ko sakanya. Nakakainis. Kitang kinakabahan na nga ako dito nanggugulat pa.

Ang bruha tumawa lang "enjoy ka? Saya ka?" Inis na sabi ko bago sya inirapan.

"Mukha ka kasing tanga dyan. Para kang matatae na ewan." Tumatawang sabi nya.

"Kapag ikaw kinasal tatawanan din kita. Manggugulo pa ako sa kasal mo."

"Langpake, basta masaya ako ngayon. Ang sarap mong asarin." Tuwangtuwang sabi nya. Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin nalang sa gawi nang pinto. Kung papatulan ko ang isang yan e ako lang ang talo.

Nagsimula nang tumugtog ang piano, naglalakad na ang mga abay. This is it, ikakasal na talaga ako sakanya. She'll be mine forever. Forever, I love that thought.

Namamawis ang mga kamay ko sa kaba. Kahit pa inaasar ako ni Eli ay wala na akong marinig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang bilis nang tibok nang puso ko.

And when she walked in, damn! She's breathtaking with her flower inspired gown. While i'm wearing a black suit.

She's walking with her Dad. And when our eyes locked with each other I can't help but to cry. Jeez.. Buti nalang at water proof ang makeup ko.

Bumalik sakin ang lahat nang alaala namin. Mga pinagdaanan namin. Kung gaano ako kaduwag na kausapin sya, kung paano ako kiligin kapag sya ang notification ko, kung paano ako mapatitig sakanya tuwing nagkaklase. I'm so whipped and I'm proud of it.

I'm so glad that I never gave up on her, on us. Na kung pinairal ko ang galit ay baka hindi kami humantong dito. Hindi ko sana naabot ang pangarap ko, which is her. She's always been my dream.

"Stop crying. jeez.." Bulong nya nang nasa tapat ko na sya. I smiled at her habang pinupunasan nya ang mga luha ko.

"I'll take care of her po. Don't worry." Sabi ko sa tatay nya nang iabot nito ang kamay ni Autumn sakin.

Habang naglalakad kami papunta sa altar ay sakanya lang ako nakatingin. Kaya kapag nadapa ako e bahala na. At least sya ang dahilan.

The ceremony started nang wala akong maintindihan. Isa lang naman ang hinihintay ko, ang kiss. wink.

Huminga muna ako nang malalim bago kinapa ang papel sa bulsa nang suit ko pero hindi ko makita.

"Shoot." Bulong ko at nataranta. Shet na malagket. Nawawala yung sinulat kong wedding vows! Shunga ka self! tsk.

"Why?" Takang tanong ni Autumn.

"I lost my wedding vows." Alanganing sabi ko na syang ikinatawa nang mga bisita. Nakakahiya ka talaga Storme! Jusme sayo!

"Ehem." I cleared my throat, sumuko na ako sa paghahanap. Bahala na. "It's fine. I just lost my wedding vows but it's fine." Panimula ko kaya natawa nanaman sila. Akala ata nila comedy to. Huminga ako nang malalim "Isa lang naman kase ang point nung vows ko, kahit three pages pa yun, ang ibig sabihin lang naman nun ay— Mahal Kita." I said then hold her hands.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon