Kabanata 5

261K 5.3K 244
                                    

[Yuka]

Nasa bungad pa lang kami naamoy ko na agad ang paborito kong beef steak! Yehey!

Nauna kaming umupo nina Dennis at Kevin dahil nag CR muna sina Kuya John at Jasper. Si Daryl naman may kausap pa sa phone. Tapos si Kris kinakausap 'yong tab n'ya. Joke! May biglang nag-video call sa kanya.

"Mukhang may mabubundat na naman neto, ah? Princess, 'di ka takot tumaba? Bahala ka ikaw rin, baka ipagpalit ka ni King." Tinignan ako ng nakakaloko ni Dennis Wang bago tumatawang ininom 'yong juice nito. Napasasimangot ako.

Parang ayoko na yatang kumain. Nawalan na 'ko ng gana.

Hinawakan ko ang tiyan ko para kapain at flat pa naman kahit medyo may laman lang talaga ng slight.

"Kampon ka talaga ng kadiliman, ano?" sabi ko nang may masamang tingin. Wala pa namang nagsasabi sa 'kin na mataba ako maliban lang sa intsik na 'to. Di kaya pinagloloko lang ako nito?

"Kapag ba tumaba ka na do'n mo pa lang marerealize na, ay sana sinunod ko na lang si Dennis," ginaya pa nito kung paano ako magsalita! "Kaya kung ako sa 'yo ibigay mo na lang sa 'kin 'yang beef steak mo. Mag oat meal ka na lang libre pa kita."

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Target niya pala ang beef steak ko, ah! Napakasugapa talaga ng Dennis Wang na 'to. Pero posible nga ba kayang maging balyena ako kapag 'di ako nakinig? Tapos aayawan nga ako ni Daryl?

Oh hindi! Ahuhuhu.

Pgdating ng orders namin ay nagsi-upuan na rin ang iba pa. Binasa ko ang mga labi ko pagkakita sa paborito kong beef steak.

Haaay. Hanggang dito na lang ba tayo? Ito na lang ba ang kaya kong gawin para sa 'yo? Makipagtitigan sa mapang-akit mong itsura? Pero 'wag kang mag-alala, dahil kahit na tinititigan lang kita ay hinding hindi kita isusuko sa timawang si Dennis Wang. So don't be sad. Ako na lang ang sad. I can't choose you over my hubby, but I can fight for you against Dennis. Don't worry.

"Why aren't you touching your food? Do you want me to order you a different set of meal?" tanong ni Daryl na hindi pa nakakasubo ay napahinto na agad nang mapansin ang hindi ko pagkuha sa kubyertos ko.

Umiling lang ako. Nagsimula nang kumain ang lahat kaya napapasulyap sila sa amin ni Daryl dahil kami na lang ang hindi pa kumakain. Nakatitig lang ako sa pagkaing nasa pinggan ko habang nakasimangot.

"Wife, is there something wrong? Tell me," medyo nag-aalala na ang boses ni Daryl. Malamang kase ako 'yong atat na atat magpunta kanina rito tapos ako 'tong hindi kumakain.

Napabuntong hininga na naman ako sabay teary eyed na napatingin kay Dennis. Binalik ko ang tingin ko kay Daryl na nakataas ang kilay na ring nakatitig kay Dennis.

"I'm sure na may sinabi na namang 'di maganda si Dennis kay Princess," nakangising hula ni Jasper habang ngumunguya. "Hala ka Dennis! Lagot! Hohoho."

"B-bakit? A-anong kasalanan ko?"

"Baby Yuka, may ginawa ba 'tong lokong 'to sa 'yo?" tanong ni kuya John.

Nasa akin na ang mga mata nilang lahat ngayon.

"Mataba ba 'ko?" pabulong at malungkot na tanong ko.

Nagulat kaming lahat nang bigla na lang humagalpak ng tawa si Daryl habang hawak hawak pa ang kanyang tiyan.

"N-nagpapatawa ka ba? Tignan mo nga ang payat payat mo!" Pinahid niya pa ang luha niya sa kakatawa.

"Kasi si Dennis, eh! Sabi niya tumataba na 'ko at baka ayawan mo na 'ko! Of course I don't want you to leave me just because I'm fat! Kaya hindi na lang ako kakain." Humalukipkip ako at humarap sa kabilang side. Binigyan nila ng tag-iisang sapok si Dennis.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon