Kabanata 19

214K 3.7K 385
                                    

[Yuka]

"Talaga, bessy?! Former friend nila fafa Daryl 'yung antipatikong GD na 'yon?!" Napatayo si France sa upuan niya.

"Sige lakasan mo pa at i-announce sa buong klase," sarkastikong sabi ko at tinuro ko ang mga kaklase naming nakapaligid. Agad na tinakpan niya ng palad ang bibig niya saka sumenyas ng sorry.

"Nakaka-shookt naman kase!" bulong niya. Tumango ako kasi ako rin na-shookt. Hehe.

"Pero bakit kaya hindi na sila friends ngayon?"

"Malamang nag-away 'yan. Bakit 'di mo tinanong sa jowa mo?"

"Ayoko nga. Pagalitan pa 'ko nun." Nangilabot ako ng slight. "Ikaw na lang."

"Edi mas lalong nagalit sa 'kin 'yon! Jusko ka! Baka mamaya idiretso ako n'on sa buhay na walang hanggan!" Namutla siya bigla at parang inimagine talaga niya ang magiging reaksyon ni Daryl.

"Oo nga baka ilibing ka niya ng buhay." Tumatawa akong tumango tapos sinapok ba naman ako! Huminto lang kami sa pagchichismisan nang dumating na 'yung prof namin.

"Good morning, Miss Mandy," bati naming lahat. Ayaw nitong tinatawag siyang ma'am dahil napagkakamalan siyang may asawa na. 45 years old na kasi siya pero single pa rin. Hehe.

"Good morning." bati niya pabalik sa amin saka inayos ang suot niyang salamin. "I have an announcement to make regarding your first activity this semester. But before we proceed, a new student will join us starting this sem. He came all the way from Japan and I know it's a bit late already, so please guide him with our previous lectures, okay?"

"Noted, Miss Mandy!"

"Alright. Please come on in... Mr. Prince Akira. Kindly introduce yourself to the class."

'Nice! Gwapo!'

'Finally someone worth looking in this class!'

'Nawa'y single pa. Please, Lord.'

Nagkagulo ang mga kaklase ko sa bagong estudyante dahil sa itsura nito. Ako naman, biglang hindi nakagalaw sa kinauupuan ko. Pagkarinig ko pa lang kasi sa binanggit na pangalan ay para na 'kong nabingi sa tagal ko nang hindi naririnig 'yon. Tapos nung pumasok na siya, nanlamig ng tuluyan ang mga kamay ko at mahigpit na napahawak sa magkabilang side ng palda ko.

Lumakad siya patungong harapan at pigil ang tili ng mga kaklase kong kilig na kilig sa kanya. Hindi ko magawang sabayan sila dahil iba ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Natulala ako sa kanya pagkaharap niya sa aming lahat at nagtagpo ang tingin naming dalawa.

Siya nga.

Si Prince. Ang kababata kong umalis at nangakong babalikan ako 2 years ago. He promised not to cut our connection, pero gaya ng ibang mga nangako rin sa 'kin, hindi niya 'yon tinupad. I waited for days...weeks...months, pero kahit isang tawag niya ay wala akong natanggap.

Nagpakilala siya sa harapan naming lahat at naramdaman ko ang pag-init ng bawat sulok ng mga mata ko pagkarinig kong muli sa boses niya. Bago pa may makapansin sa 'kin ay nakayuko akong nag-excuse at lumabas ng room. Dumiretso ako sa restroom at nagkulong sa isa sa mga cubicle.

"Anong ginagawa niya rito? Bakit bigla siyang bumalik?" mahinang pagkausap ko sa sarili ko.

Nag-stay ako saglit sa loob, pero lumabas din ako agad pagkatapos kong kumalma at naghilamos ako ng malamig na tubig sa sink. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakita kong namumula ang mga mata ko kaya kinuskos ko ang mga ito ng mabuti. Hindi niya 'ko pwedeng makita ng gan'to dahil hindi na ako 'yung mahinang Yuka na iniwan niya noon.

Ayoko na sanang bumalik pa sa klase kaso naalala kong may i-a-announce nga pala. Kahit labag sa loob ko ay naglakad ako pabalik. Malas lang dahil pagbalik ko, naka-pwesto na siya sa seat sa tabi ko. Malamang ay 'yon lang naman kasi ang bakante. Hayst. Nakayuko akong bumalik sa upuan ko.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon