Kabanata 1

452K 7.5K 496
                                    

Kabanata 1

[YUKA]

Kumakabog ang dibdib kong tiningala ang nakasabit na orasan sa pader. Sampung minuto na lang, mahuhuli na 'ko sa klase. Hindi kasi tumunog 'yung alarm ko!

Walang patumpik-tumpik na hinatak ko ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko at hinagis ito. Ewan ko saan napunta. Basta nag-transform na ako into female version ni The Flash after kong makita ang oras.

Kumaripas ako ng takbo pagkatapos kong magbihis. Exams week din namin ngayon kaya medyo marami akong dala. Mga kalahati ng bahay namin gano'n. 

"Tigiiil!!" impit na sigaw ng boses na nakasanayan ko ng marinig sa bawat araw na ginawa ng Diyos. Jusko naman, pwede po bang taympers muna? Kahit today lang?

Yakap ang mga libro ko, inuna ko ang sakong ko sa kanang paa para i-preno ang sarili ko. Buti na lang malaki at mabigat ang dala kong bag kaya hindi ako sumubsob. Pero nahulog ako sa hagdan dahil lumampas 'yung sakong ko sa baitang. 

"Ah--aray! Aray! A-aray!" Naka-walong aray ako. Walong baitang 'yun e. 

"Saan ka pupunta, babae?" 

Nakangiwi kong tiningala si Auntie na nakapamaywang at nagmamataas ang kilay habang nakadungaw sa akin. Grabe talaga ang mga kilay nito, parang laging nakikipag-kumpitensya sa Mt. Everest!

"P-papasok po?" nauutal na sagot ko. Ninanamnam ko pa kasi 'yung sakit ng pwet ko. Hay naku. Flat na nga, lalo pong nayupi! "Weekends lang po walang pasok sa school," dagdag ko pa para mas obvious. Bukod sa nakikita naman niya sigurong naka-uniform ako, e oras na talaga ito ng aking pag-pasok sa eskwela.

"Pinipilosopo mo ba 'ko?!" 

Napaatras ako kahit namamanhid pa 'yung pwet ko. 

"Hindi po," mahinang sagot ko at yumuko na lang. Parang hindi na naman maganda ang gising niya. At sa tuwing ganito siya ay matinding kaba lagi ang gumagapang sa dibdib ko.

Napalunok ako nang maglakad siya palapit sa akin. Please, 'wag naman ngayon.

"Hindi ka pa nakapaglilinis ng bahay, lalayas ka na?! Gusto mo bang ikaw ang ilampaso ko sa naglulupang sahig na 'yan?!" 

Galit na tinulak-tulak niya ang ulo ko at saka tinuro 'yung sahig na sa tingin ko ay wala namang dumi. Kakalampaso ko lang naman kasi nito kagabi bago ako natulog.

Mahigpit akong napakapit sa yakap kong mga libro. Nangatal ang mga kamay ko sa takot na baka dumapo na naman ang mga kamay niya sa akin. Alam ko namang hindi niya ako gusto at dapat ay sanay na rin ako sa mga ginagawa niya sa akin, pero ewan ko ba, hindi ko magawang makasanayan ang pagiging bayolente niya.

Ayoko pa rin 'yung pakiramdam sa tuwing sinasaktan niya ako. Kasi masakit... Literal na masakit ang bawat paghampas ng mga kamay niya sa katawan ko. Hindi ko 'yun gusto, pero wala akong magawa dahil pinili siyang pakasalan ni Daddy. 

"M-may exam po kasi ako ngayon. Mahuhuli na po ako sa klase kapag hindi pa po ako umalis, Mama." Pakiusap pumayag ka na po. Taimtim na bulong ko sa aking isipan.

"Wala akong pake sa klase mo kaya't hindi ka aalis. At ilang beses ko bang kailangan paulit-ulit na ipasok diyan sa kokote mo na 'wag na 'wag mo akong tatawaging mama?" Tumaas lalo ang boses niya. "Malinaw naman siguro diyan sa utak mong walang laman na hindi ako ang ina mo at hindi kita anak."

Ah... oo nga pala.

"S-sorry po..."

"Tapusin mo ang dapat mong tapusin bago ka umalis, kundi malilintikan ka sa akin!"

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon