Kabanata 15

259K 4.5K 534
                                    

Angel's note: This chapter is dedicated to yahnie04. Thank you so much dahil napapatawa ka ng story na 'to at sa palagi mong pag-aabang ng update. I appreciate it a lot. <3

For dedications in the next chapters, pipili ulit ako sa comment section so please keep your comments coming! Thank you and happy reading! 

***

[Yuka]

Akala ko kapag new year, new me. Kasi gano'n 'yon 'di ba kapag nagpapalit ng taon? Ni-re-refresh mo dapat 'yung buhay mo? Kaso pagkauwi ng step-family ko after ng bagong taon ay same me pa rin ang peg ko. Aliping sagigilid pa rin nila 'ko. Buti na lang may good news agad akong nakuha pagbalik namin sa school na talagang nagpasaya sa 'kin.

Nakapasa ako sa Daryl International College!

Pinatawag ako ng principal namin no'ng first day pa lang ng klase after new year. Kinabahan pa nga 'ko dahil akala ko may bumagsak akong subject or may nalabag na rules, pero laking tuwa ko nang sabihin nilang granted 'yung admission ko sa DIC! Huhuhuhu. Actually nawala na nga sa isip ko 'yung date of announcement ng mga papasa roon dahil may hangover pa 'ko sa nakaraang bakasyon.

"What's so great in studying at DIC anyway kung katulad mo lang pala ang standard nila?" ani Trixie saktong pagpasok ko pa lang ng bahay. Galing kaming school at halos magkasunod lang kaming dumating.

"True! I agree, sis. I thought may breed ang mga tao ro'n, but turns out na mga wala pala silang taste!"

Breed? Bakit, aso ba 'yung mga taga DIC? Hehehe. Joker talaga minsan 'tong si Tricia.

"What's happening?" Dumating si Auntie at parehong nakasimangot na sinulabong siya ng dalawa.

"Eh kasi, mommy, 'yang si Yuka lang ang pumasa sa DIC! Imagine na sa dami naming may connections sa school, siya pa na isang nobody ang bukod tanging nakapasok!"

"True! I agree again, sis." Nakabusangot na hinarap ni Tricia ang ina. "Pa'no ba kasi 'yon nangyari, mommy?! You told us na may kilala ka sa loob ng school registrar!"

"O-Oo, anak. My Amiga's son works there at natimbrihan ko naman 'yon na you two are applying."

"Maybe bulok lang talaga 'yung system nila! Hay naku! King Daryl should check on his employees there! Baka hindi niya alam ang kapalpakan ng mga workers nila. Ugh!"

Kung anu-ano pang kasamaan ang pinagsasabi nila sa DIC dahil sa hindi nila pagkakapasok dito. Tikom ang bibig ko kahit gustong-gusto ko na silang patulan kasi sobrang nonsense na n'ong ibang sinasabi nila. Pati si Daryl dinadamay na.

Sa huli, nakahanap naman sila ng ibang school na papasukan kaya bahagyang kumalma na ang mga bibig nila sa tuwing makikita ako. Maganda rin naman 'yung school na napili nila.

Pang-mayaman.

Yun kasi ang standard nila. Kailangan ay puro mayayaman lang ang pwedeng pumasok. Hay. Okay lang naman sana kahit saang mamahaling school sila pumasok. Kaso naaawa ako sa Daddy ko. Hindi naman kasi sila sinusuportahan ng totoong ama nila kaya si Daddy lahat may shoulder. I just find it unfair minsan na may mga taong nakakayang ipasa 'yung responsibility nila sa ibang tao.

"Ano ba 'yan..." bulong ko mag-isa sa kwarto. "Bakit naman ang daming tumatawag na unregistered numbers? Pina-prank ba nila 'ko? Huhuhu."

Grabe hindi na 'ko nakatulog ng maayos! Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at saka tinabunan ng isa pang unan. Konti na lang at gusto ko na talagang patayin ang cellphone ko kaso baka naman tumawag si Daryl at ayaw na ayaw n'on na nag-o-off ako ng phone!

Maaga akong nagising kinaumagahan, pero halos wala akong matinong naging tulog. Maya't-maya ang pag-ring ng phone ko at nireplyan ko na nga sila na patulugin naman nila 'ko. Binlock ko na rin kaso laging may panibagong tumatawag.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon