Kabanata 16

314K 4.8K 435
                                    

7:00 am... 7:00 am na?!

Napatayo ako pagkaaninag ko ng maayos sa oras sa wall clock ko. Pagtingin ko sa alarm clock sa tabi ko. 7am na nga! Si-net ko ng 5am 'to, eh! Shems-late na 'ko! Late na 'ko sa first day ko sa DIC!

Halos madapa ako sa pagbaba ng hagdan at inabutan ko ang mga kapatid ko sa dining area na katatapos lang mag-breakfast. Napatingin ako sa lamesa na wala nang tirang pagkain.

"Oh, Yuka? Bakit nandito ka pa? Akala namin kanina ka pa umalis," ani Trixie habang nagpupunas ng bibig nito ng tissue. Grabe mukhang hindi na naman ako kasali sa pa-almusal ng pamilyang 'to, ah. Simot na simot 'yung mga pinggan sa lamesa!

"Hindi siguro tumunog 'yung alarm clock niya. Hehehe."

Hala paano niya nalamang hindi nga tumunog??

"Luma na kasi siguro kaya pumapalya na," sagot ko naman. Naglabas ng salamin si Tricia at saka nag-retouch ng makeup nito.

"Siguro excited ka ng pumasok, 'no? Naku, kami rin. Super excited na din kami sa bago naming school! We didn't know at first na may mas maganda pa palang university kaysa sa D.I.C. I'm sure na low quality ang education nila since ikaw lang ang nakapasok sa batch natin. Poor you."

"Yeah right, sis. Dahil isang ugly looser ang tinanggap nila. I'm sure mga ugly din ang mga student do'n like you, except of course sa Bloodshed Gang." Inirapan ako ni Tricia nang huminto ang tingin nito sa 'kin. Alam ko namang hindi totoo 'yung pinagsasabi nila kaya 'di ako affected. Hehe.

Tumayo na sila at isinukbit ang kanilang bag sa balikat. Umalis sila at iniwan ako rito sa pinagkainan nilang dalawa. Hindi na nga akong tinirhan ng almusal, ako pa magliligpit?! Sumusobra na talaga 'tong mga kapatid ko. Nasaan ang pagkakapantay-pantay na karapatan naming mga tao sa bansang 'to? Huhu.

Hingal na hingal tuloy ako pagdating ko sa paradahan ng jeep. Tinapos ko muna kasi 'yung mga kinalat nila sa bahay tapos tumakbo pa 'ko papunta rito dahil sayang kung magta-tricycle ako eh medyo malapit lang naman. Sapu-sapo ko ang dibdib ko habang nagdedesisyon kung magbu-bus ba ako or jeep. Magkatabi lang naman ang terminal nila pero kasi mas mabilis kung bus, pero mas mura naman kung jeep. Ugh. Ma-le-late na nga 'ko hindi pa rin ako makapag-decide!

"Anak ka ng nanay mo!" Napasigaw ako sa biglang pagbusina ng isang sasakyan sa harapan ko. Grabe naman 'to kung makapagbusina! Pag-aari niya ba ang kalsada?! Salubong ang kilay ko na humarap sa pangahas na sasakyan. At pagharap ko... isang pangahas na nilalang ang lumabas mula rito.

Nilapitan ko siya.

"Pangahas ka, Ginoo," wika ko. Ngumiti ito nag-bow.

"Paumanhin sa aking kapangahasan, mahal na prinsesa. Narito po ako bilang sugo ng mahal na hari upang ihatid kayo patungo sa inyong kamahalan."

"Patungo sa kamahalan? Ngunit wala na akong sapat na oras upang tumungo sa kamahalan. Ihatid mo nalang muna ako sa aking eskwela pagkat ako'y huli na sa aking klase."

Nahulaan niyo na ba kung sino ang pangahas kong kausap? Natatawang sumakay ako sa sasakyan nito.

"Masusunod ang inyong nais, mahal na prinsesa."

At kami'y naglakbay na patungong D.I.C. Para kaming nakipagkarera sa race track dahil nakarating kami in just 15 mins! Nahilo yata ako. Feeling ko naiwan yung kaluluwa ko sa daan.

"Bwisit ka, Dennis!" Hinampas ko ito ng malakas sa balikat. "Akala ko sa langit na diretso ko sa pagmamaneho mo!"

Tama, si Dennis Wang nga ang sumundo sa 'kin.

"Ang importante, Princess, nakarating tayo ng buhay at sakto sa oras. At kung magrereklamo ka pa d'yan, sure na late ka na sa first class mo." Natatawang hinaplos nito ang brasong hinampas ko.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon