Kabanata 6

244K 4.6K 222
                                    

[Yuka]

"At saang lupalop ka na naman lumanding babae ka?! Alam mo ba kung anong oras na?!" Nakapamaywang ako nitong sinalubong pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto. "Ang dami kong dapat iutos sa 'yo at ni-isa walang nagawa dahil sa paglalakwatsa mo! Lumapit ka nga rito!"

Pagkalapit ko ay agad na hinablot nito ang itim at mahaba kong buhok. Grabe naramdaman ko yata bigla ang panghihina ng anit ko. Makakalbo na po yata ako, Lord! Huhu.

Mas lalong dumoble ang bilis ng tibok ng puso nang makita ko ang pamumula ng mukha nito sa galit. Kanina pa nga yata talaga ako nito hinihintay makauwi.

"Nang dahil sa 'yo hindi ako nakapunta sa mga amiga ko! Letse kang bata ka! Alalay na nga lang ang papel mo sa buhay ko hindi mo pa magawa?!"

Hindi pa natapos sa pagsigaw niyang 'yon dahil kumuha pa ito ng walis at pinagpapalo sa 'kin. Halos mamanhid sa sakit ang buong katawan ko sa bawat hampas nito sa 'kin ng walis. Panay ang kurot din ng mahahabang kuko nito sa balat ko kaya mangiyak ngiyak ako sa hapdi.

After ng ilang palo pa ay tinigilan na rin ako nito sa wakas. Iniwan ako nitong nakabaluktot sa sulok ng sala habang tuwang tuwa naman ang mga step-sisters ko sa panonood.

"Haaay. Yan ang napapala ng mga feeling prinsesa," sabi ni Tricia na nakadungaw mula sa second floor kasama ang kakambal nitong si Trixie.

Pinilit ko na lang na tumayo at umakyat sa Attic. Doon kasi nila 'ko pinapatulog dahil inokupa nilang lahat 'yung mga kwarto. Dapat kasi ay magkasama lang ang kambal sa iisang kwarto, pero simula noong umalis si daddy papuntang Japan, pinaalis nila 'ko sa sarili kong room para tag-isa na silang dalawa.

Ayaw din naman nilang ipagamit sa 'kin 'yung mga extra rooms ng bahay dahil para raw sa mga bisita nila ang mga 'yon. Tapos hawak ni Auntie ang mga spare keys kaya no choice ako kung hindi sa makipot na attic tumuloy.

Unless gusto kong sa kalsada ako matulog.

Kahit mahirap at masakit ay pinilit kong makaakyat sa pinaka taas. Wala naman akong magawa dahil wala akong kakampi sa bahay na 'to.

Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang mga galos at pasa ko sa katawan. Mabuti na lang at weekend ngayon kaya walang pasok. Hindi ko kailangan lumabas ng bahay kaya makakapagtago ako sa mga posibleng makakita sa 'kin.

Pero paano kaya ako papasok sa Lunes? Wala naman akong dugong engkanto para mapagaling ang mga sugat ko ng mabilisan.

Napabalikwas ako sa pagtunog ng cellphone ko.

Hubby's calling....

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang madiinan ko ng kaunti ang mga sugat ko na kasalukuyan kong ginagamot. Inabot ko agad ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

[Good morning, wife.] bati sa 'kin ng boses na naging instant pain reliever ko. Pero nang mahagip ng mga mata ko ang mga sugat kong ginagamot, nanlamig ako bigla at nakaramdam ng kaba.

"G-good morning din, hubby," humahangos na sagot ko. Medyo mahapdi rin kasi ang labi ko kaya hirap akong magsalita.

[Are you sick?]

"No!" napasigaw ako ng bahagya kaya nag-sorry agad ako sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman ang kalagayan ko.

[Are you sure? I can call our family doctor. Susunduin kita.]

"Wag!" Pinilit kong magtunog masaya para hindi siya makahalata. "Ayos na ayos ako! Ang OA mo kakakita mo lang sa 'kin kahapon."

[Tsk. Ah nga pala, pupunta akong Hongkong ngayon kakausapin daw ako ni dad. Pero babalik din ako tomorrow night so baka Monday na tayo magkita. Is that okay with you? If not, I can cancel it.]

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon