Kabanata 14

219K 4.5K 220
                                    

[Yuka]

Excited na kumuha ako ng ballpen at papel sa kwarto at sumalampak sa carpeted floor sa salas pagbalik ko. Ngayon na kasi kami maglilista ng mga ihahanda naming pagkain para sa Christmas Eve kaya busy ako. Well, uhm, busy lang sa paglilista. Hehe. Hindi naman kasi ako gaanong marunong magluto at baka kung anong disaster pa ang magawa ko paskong-pasko.

Nilingon ko si Daryl na busy sa panonood ng basketball.

"Hubby, anong gusto mo sa Christmas eve?"

Saglit na sinulyapan niya 'ko at 'di man lang siya gumalaw sa kinauupuan niya.

"Ikaw."

"Seryoso akong nagtatanong, King Daryl."

"Bakit? Seryoso naman akong sumasagot."

"Pagkain kasi! Kung anu-ano naman 'yang iniisip mo, eh," nakasimangot kong reklamo. Bumaba ang mga tingin niya sa labi ko.

"Your lips are enough for me on Christmas Eve. What's wrong with my answer?" Then he brought back his gaze on my eyes. Tinignan ko siya ng masama at padabog na humarap ako sa kabila.

"Bahala ka nga d'yan! Ang hirap mong kausap!" Nakanguso kong binuksan ang phone ko at narinig ko siyang pinagtatawanan ako. Grrr.

Nag-search na lang ako ng mga masasarap ihanda tuwing pasko. Hinanap ko 'yung mga karaniwang handa ng mga pinoy dahil sigurado akong medyo kakaiba ang mga ito kung ikukumpara sa kung anong meron sa bahay ng mga kasama ko.

Pagkatapos kong ma-finalize ang list ng mga pagkain namin ay ipinadala ko na agad ito kay Mr. Chili dahil sa kanya kami oorder. Excited na 'kong mag-Dec. 24!

"Aray ko!" daing ko bigla nang batuhin ako ni Daryl ng popcorn. Pinulot ko muna ito at kinain saka ko siya tinignan ng masama.

"Tsk. Why did you eat it?"

"Wala pang 5 minutes." Tumayo ako at saka inagaw sa kanya 'yung popcorn. Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa at saka ko tuwid na isinampa ang mga paa ko. "Hubby, may regalo ka na sa 'kin?" tanong ko at sumubo ng isang dakot na popcorn.

"You wanna know now what it is?" Maagap na iwinagayway ko ang mga kamay ko.

"Hala hindi! Wag mong sasabihin!! Dapat surprise para excited akong magbubukas!"

Tumawa siya at tumingin sa direksyon ng kwarto niya.

"You want to be surprised, but you literally posted all your wishlists on my wall, huh?"

"Eh s'yempre para ano...para 'di ka na ma-stress sa pag-iisip. Ayokong nai-stress ka kasi. Hehehe."

One week na 'ko rito sa condo ni Daryl at feeling ko pagbalik ko sa bahay next year hindi na 'ko sanay na maging alipin. Joke! Hahaha. Pero kasi, sobrang spoiled ako rito kay Hubby. Lahat ng gusto ko binibigay niya. Lahat ng utos ko sinusunod niya. Minsan nga pinagti-tripan ko na lang siya gaya nang ipapaabot ko sa kanya 'yung remote kahit abot ko naman, pero sinusunod pa rin niya.

"Hubby, tayo mo nga 'ko." Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Nauuhaw ako kuha lang akong tubig."

"Ako na. What else do you want?"

"Ihh nakakahiya naman, pero sige kuha ka na rin ng cookies tapos pwede mag-prito ka na rin ng fries??"

"Okay."

"Hubby, cheese powder!"

"Copy that."

Tumatawa kong itinaas ang mga paa ko sa sandalan ng sofa at itinuloy ang panonood ko ng pelikula. Pero kahit nanonood ako, pasulyap-sulyap pa rin ako sa malapad na likod ni Daryl sa kitchen na busy sa pagpi-prito. Kahit anong propesyon yata ay babagay sa kanya. Sabi ko nga ay 'wag na siyang maging gangster at maging tagapagluto ko na lang siya. Kaso he can do both naman daw. Tsk.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon