Simula

723K 9.6K 631
                                    

Simula

Akala ko dahil sa paulit-ulit na pag-alis ng mga taong mahal ko, masasanay na ako sa pakiramdam ng iniiwan. Akala ko kapag paulit-ulit ko nang naranasan 'yon, hindi na masakit kapag nangyari ulit. Kaso hindi pala ganoon-mali pala 'ko.

Bata pa lang ako nang iwan ako ng Mommy ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay sadyang ayaw lang talaga niya sa 'kin.

My father remarried. Akala ko ay magandang simula na 'yon dahil nakikita kong masaya si Daddy. Pero kinailangan din niyang iwan ako para sa negosyo niya sa Japan. Kahit alam kong para sa trabaho iyong ginawa niya, still, iniwan pa rin niya 'ko sa pamilyang akala niya ay mamahalin ako.

Hindi nila 'ko gusto. Malupit sila sa 'kin.

Living with them is like a living hell. At ngayon, ang best friend ko na siyang takbuhan ko sa tuwing hindi ko na kinakaya ang mga nararanasan ko sa kanila ay kailangan na ring umalis.

I'm literally left now with no one, but just myself.

Alam kong may mga dahilan sila kung bakit kailangan nilang umalis, pero hindi ba ako sapat na dahilan para manatili sila? At kung wala naman na sila sa tabi ko, para saan pa para manatili ako rito?

"Bakit ba niligtas niyo pa 'ko?!" gigil na singhal ko sa kanilang lahat. Walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko.

Pinalilibutan ako ng mga taong nakasuot ng kulay puti. Lahat ng nasa paligid ko ay puti, maliban sa madilim na mga titig ng lalakeng nasa harapan ko.

Alam kong maling-mali ito sa mata ng Diyos, pero nagawa kong pagtangkaan ang sarili kong buhay. Pagod na pagod na kasi ako. Hindi na 'ko makahinga sa masikip at madilim na kinaroroonan ko.

Ang hirap mag-isa--ayoko nang mag-isa.

Matalim kong tinitigan ang lalakeng higit na matalim ang tingin sa 'kin. "Hindi mo dapat ako pinakialaman."

Nakakapangilabot ang mga titig niya.

"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kang mamatay doon?" Pakiramdam ko ang nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok. Marahas siyang tumayo dahilan para matumba iyong inupuan niya. Nilapitan niya 'ko at dinuro. "Kung magpapakamatay ka rin lang na babae ka, 'wag sa lugar ko."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa nakakatakot niyang mga mata. He knew it. He knew that I was trying to kill myself.

"I wanna go."

"You need to stay here for a week."

"I said, I want to go," mariing tugon ko at hinatak iyong nakakabit sa palapulsuan ko. Akmang tatayo na ako ay hinawakan niya 'ko sa balikat kaya't hindi ko nagawang makaalis. "Ano bang problema mo?!"

Hindi ko na napigilang sigawan siya. Napaka-pakialamero naman nito!

Sinubukan ko siyang abutin at saktan para bitawan ako, pero tila balewala ang mga ginawa kong pangangalmot sa kanya! Inabot ko rin siya sa mga paa ko para pagsisipain, pero nagawa niyang umilag!

"Malala ka na," puno ng pang-iinsultong sinabi niya. "Ideretso na kaya kita sa mental?" dagdag pa niya at inilapit ang mukha sa 'kin.

Ang yabang nito ah!

"Wala kang alam kaya pwede ba, pabayaan mo 'ko?"

Manhid ba siya at hindi ramdam na hindi ko gusto ang panghihimasok niya?

"Kung hindi ko pala alam, edi ipaalam mo. Tanga ka ba?" Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Hindi ko sure kung anong trip ng lalakeng 'to, pero isa lang ang nasisiguro ko. Chismoso siya!

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon