Kabanata 7

224K 4.4K 155
                                    

[Yuka]

Sa sobrang pagkabigla ko yata ro'n sa tumawag, nawala na sa isip ko 'yung lahat ng pinoproblema ko kanina. Humugot ako ng isang malalim na paghinga at dumaan muna 'ko sa restroom para kalmahin ang sarili ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Medyo napa-kapal yata 'yong nasuot kong long-sleeves. Tapos medyo napalaki rin yata ng slight 'yong nakuha kong eyeglasses. Hayst! Nagmamadali kasi akong umalis! Pero 'di bale na nga, sanay naman na sila sa betty-look ko. Hehehe.

Pagkatapos kong kumbinsihin ang sarili ko na mukha naman akong tao, lumabas na 'ko at nakayukong naglakad papuntang room. Feeling ko okay naman 'yung ginawa kong pagtatakip sa mga pasa ko pero paranoid lang siguro ako masyado kaya hindi ko magawang maglakad ng tuwid.

Sa kabutihang palad matiwasay naman akong nakarating sa classroom at wala akong record na nabunggo sa hallway.

"Huy, nerd! Paturo naman sa exam natin mamaya!" bungad sa 'kin ng kaklase ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang. Si Derek pala—ang bully sa klase.

"Sure," sagot ko at inayos ang suot kong salamin. Nakakahiya naman kasing tumanggi at baka magalit pa sa 'kin.

"Thanks! Nice outfit anyway," sabi nito sabay tingin sa 'kin mula ulo hanggang paa. Napataas tuloy ako ng dalawang kilay.

Problema no'n? Nakainom yata ng gamot na pampabait? Ah siguro dahil kailangan nitong magpatulong mamaya kaya hindi muna nang-asar. Everytime kasi na makikita ako ni derek, kung hindi ako nito titisurin ay didikitan ako nito ng bondpaper sa likod na may nakasulat na 'I am the queen of the nerds' kaya nakapagtataka na wala itong ginawa ngayon.

Ano ka ba naman Yuka! Malay mo nagbago na 'yung tao. Huwag masyadong judgmental. Pero may pag-asa pa bang magbago 'yon? Naku! Mababaliw ako sa pakikipag-usap dito sa sarili ko!

Inhale...exhale. Kaya ko 'to! Fight!

Naglakad na 'ko papasok. At dahil sikat ako sa klase namin, nasa pintuan pa lang ako ay nasa 'kin na lahat ng tingin nila. Kinawayan ko naman sila bilang pagbati kahit puro pang-iirap at ismid ang natanggap kong response.

Okay na sana ang lahat pwera na lang nang makapasok na ako ng tuluyan at mapatingin sa may harapan ng klase. Shems. Badtrip yata si Lord sa 'kin today? Huhu.

Napahinto ako sa paglalakad pero sa sobrang gulat ko ay napalabas ulit ako ng pinto at naisara ito ng pabagsak. Balak ko muna sanang magtago kay Daryl hanggang sa medyo maging okay na 'yung mga pasa ko, pero heto at kumpleto ang buong gang niya sa klase ko!

Makalipas ang ilang segundo ay lumabas ang professor kong si Mr. Far na mukhang hindi natuwa sa ginawa ko. Oh my geeeeeee.

"Whats wrong, Ms. Nakashige?" mataray na tanong nito sa 'kin. Naku po! Baka okrayin na naman ako neto! Severe na pa naman ang allergies nito sakin!

"S-sorry, sir. I just...." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang lumabas ang classmate kong si Jane.

"Sir, my King Daryl and my prince charmings are waiting," sabi nito with her voice giggling.

So kailangan may pang-aangkin muna sa pagsasabi niya ng pangalan ni Daryl? Hmp. Nakakaasar ah. Pero ang shunga ko naman talaga para makalimutang representative nga pala sila ng Daryl International College hanggang graduation! Pumupurol na yata utak ko sa kakatipid! Bakit nga ba hindi ko naalala 'yon? Waaaah! Sana pala umabsent na lang ako!

Dahan dahan akong sumunod sa pagpasok kay Mr. Far. As expected, nasa 'kin lahat ng atensyon.

"Good Morning po. Sorry I'm late," bati ko kina Daryl. Lukot nanaman ang mukha niya. Plantsahin ko muna kaya? Ay! Ay! Baka masunog at sayang naman ang kagwapuhan ng Hubby ko. Hehe.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon