Kabanata 17

209K 2.7K 111
                                    

[Yuka]

"Bessy!!"

Napalingon ako sa boses na sumigaw sa likuran ko. Napangiti agad ako pagkakita sa best friend kong nasa malayo pa lang ay kumakaway na. Yes, it's France! My best friend. Humahangos na kumawit ito sa braso ko pagkalapit at sabay na naglakad kami papuntang classroom.

Simula nang makilala ko si France, never na 'kong nagkaroon ng dull moment sa buhay. He literally put color to my every day life! Nasa 1/8 pa lang kami ng 1st sem, pero feeling ko sobrang tagal na naming magkakilala. Napakagaan niya kasing kasama!

"Bessy, feeling ko talaga gusto ulit akong itanan ni Dennis Wang," sabi niya sabay lingon sa kinauupuan ko. Wala pa kasing prof kaya nakikiupo muna siya rito sa katabi kong seat parang maki-chika.

"Bakit naman?" natatawa kong sagot. "Sa pagkakatanda ko, ikaw 'tong kumidnap kay Dennis no'ng first meeting n'yo."

"Grabe ka naman sa pakidnap, Besh! Mukha naman akong desperadang veksh sa sinabi mo!" Nakangusong inayos niya ang buhok saka inipit ito sa likod ng kanyang tenga. "Para nilambing ko lang ng slight si Fafa Dennis no'n, eh."

"Nilambing ng slight, pero takot na takot 'yung tao kapag mababanggit kita. Na-trauma nga yata, eh."

"Alam mo, Bessy, hindi ko gusto 'yang lumalabas sa bibig mo. Kailangan mong magpahangin para mahimasmasan. Tara sa labas at 'di na darating 'yang prof natin." Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin niya 'ko at kinuha ang bag ko.

"Teka! Teka! Susubsob naman ako sa hatak mo, Francisco!"

"Isa pang tawag mo sa 'kin n'yan, talagang susubsob ka na," banta niya. Humahalakhak tuloy ako habang kinakaladkad niya palabas ng building namin at siya naman, inis na inis. Sa sobrang pagtawa ko, hindi ko napansin ang dinadaanan namin at pakiramdam ko biglang umikot ang mundo ko nang literal na para akong sumubsob sa pader.

"Aray ko!"

"OMG! Bessy! Okay ka lang?!"

"M-Mukha ba 'kong...okay?" pilosopo kong sagot dahil hindi ako halos makatayo sa pagkakabagsak ko. "Ang sakit ng pwet ko. Huhuhu."

Napanguso ako pagkakita sa mga estudyanteng nagdaraan na tumatawa. Mukha na naman siguro akong ewan ngayon. Sino naman kasing normal na tao ang babangga sa pader nang gan'to kaliwanag? Pagsilip ko sa katabi kong si France, humahagikgik pa sa nangyari sa 'kin.

"Hey, Kiddo. You okay?"

Napatingala ako sa pader na nabunggo ko. Shems. Tao pala.

"O-Okay lang. Sorry," sabi ko.

"Bakit ikaw ang ang-so-sorry, Besh?! Siya 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan kaya dapat na siya ang mag-sorry!" Binitiwan ako ni France at nakapamaywang na hinarap si Kuya pagkatapos niyang ayusin ang clip na nawala sa ayos. "Hoy! Ikaw na sobrang puti, na sobrang gwapo, at super hot pa! Mag-sorry ka sa best friend ko!"

Napahawak ako sa likod ng uniform ni Bessy para pigilan siya. Nakita ko namang ngumisi lang 'yong lalaki, pagkatapos ay dinungaw ako na nakabalandra pa rin sa semento.

"Why should I?"

"Aba't! Ang angas mo, ah?!" Itinaas ni France ang magkabilang manggas ng kanyang uniform at napabilog ang bibig ko sa itsura niyang mukhang makikipagsuntukan. "Gusto mo bang ma-kickout ngayon mismo sa school na 'to?!"

"B-Bessy, kalma. Okay lang---" Napatigil ako sa paghakbang ng lalaki palapit sa amin. Nakapamulsa ito sa suot na uniform at diretso ang galit na mga mata nito kay France. Nag-disappear yata bigla 'yung sakit ng pwet ko at napatayo ako. "B-Bessy, tara na. Hayaan mo na 'yan, ayos naman ako oh." Umikot pa 'ko sa harapan nila para kumbinsihin siya. Napahawak ako balakang kong kumirot.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon