CHAPTER 22: BUNNY COSTUME

118 13 2
                                    

CHAPTER 22: BUNNY COSTUME


CIERIN'S POV

"Napagdesisyonan kong magkakaroon tayo ng outing this Weekend!!" Masiglang sabi ni Astrid. Napatingin kaming lahat sa gawi niya tsaka siya ngumiti ng malawak. Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa S Class Palace ngayon at kumakain ng Special Apple Pie Na ginawa pa mismo ni Avery ng bigla nalang sabihin ni Astrid 'yon. Napatingin ako kay Avery na mukhang gulat na gulat din sa sinabi ni Astrid. Kumibit balikat lang sa akin si Avery at muling itinuon ang tingin kay Astrid. "Ang magaling kong ka-kambal ang bahala sa Lugar at Cottage na tutuluyan natin! Si Ryuu naman ang bahala sa pagkain! At ako na ang Bahala sa iba!" Dugtong ni Astrid. Taas noo pa nitong sabi at pagkatingin ko sa dalawang taong binanggit niya ay halatang wala din silang ideya sa pinagsasabi ni Astrid.

"Ang tanong sino-sino ang pupunta?" Tanong ni Ryuu kay Astrid.

"Buong S Class ang pupunta at walang sino man angㅡ"

"Ah, Excuse me Astrid? S-Sorry. Hindi yata ako makakasama sa outing dahilㅡ" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil kay Timothy. Padabog lang naman itong tumayo sa kinauupuan niya at tsaka ito nagwalk-out. Napabuntong hininga lang ako.

"ICE, Bakit di ka na naman sasama sa amin?" Nakangusong sabi ni Astrid. "Ilang outing na ang tinanggihan mo simula nung nabuo ang S Class... this time Pumayag kana , please?" Aba't nag Baby talk pa talaga siya. Tsaka niya ako niyakap ng sobrang higpit at nag puppy eyes. Natawa nalang ako at tumango.

"Hindi ako sigurado kung makakapunta ako , pero susubukan kong gawan ng paraan. Oke?"

"Yippie! At ngayon kailangan nating maghanda para sa nalalapit nating outing!"

"Teka nga lang , Astrid. Hindi ba nag walk-out si Humprey? SIGURADO ka bang papayag siyang sumama sa atin?" Biglang singit ni Kerbie sa kasiyahan ng kanyang ka-kambal.

"Ano ka ba?! Siya nga ang nagsabi sa akin na gawin ang lahat ng 'to eh. Masyado niyang inisip ang mga nangyari nitong nakaraang araw, Yung tungkol doon kay Tristan yata yun?" Napakunot noo ako dahil sa huling sinabi ni Astrid. Kaya naman pala lahat napagdesisyonan na kung sino ang bahala sa ganitoㅡganyan. Wait! What? Napatayo ako sa kinauupuan ko at tsaka ako nagmadaling lumabas ng S Class Palace para habulin si Timothy. Rinig ko pa ang pag tawag nila sa pangalan ko pero hindi ko nalang 'yon pinansin. Madali akong tumakbo papuntang "Parking lot" nagbabakasaling doon siya dumiretso, pero sa kasamaang palad wala akong natagpuang Timothy doon.

"Nandito pa ang kotse niya , ibig sabihin nandito pa siya sa loob ng Campus" Sabi ko sa sarili ko. Tumakbo ulit ako papuntang Senior High Building pero ni-anino niya ay wala akong nakita. Napasapo ako sa noo ko at tumingin sa paligid.

"Hello, Ms.ICE" Banggit ng isang boses babae sa likod ko.

"Yes?"

"G-Gusto ko lang po sanang mag pa-picture sa'yo" Nakayuko pa nitong sabi sa akin. I smiled at her at lumapit.

"What's your name?" Tanong ko sa kanya.

"AliceㅡAlice po" Nasa mahinang boses nitong sabi habang nakayuko.

"Chin up, Alice. Wag na wag kang yuyuko sa katulad mo lang din namang tao. Okey? Be confident" I said. Tumango siya at tsaka niya ako binigyan ng isang napakatamis na ngiti. Napansin kong lumiwanag ang mukha niya matapos kong sabihin 'yon sa kanya. Inilabas na niya ang Cellphone niya upang kumuha na ng litrato naming dalawa.

THE S CLASS PROJECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon