CHAPTER 18 : RYUU AND AVERY

185 14 0
                                    

CIERIN'S POV

Papunta ako ngayon sa Principal's office para kunin ang form na fi-fill up-an nila Ryuu at Avery para sa Quiz bee. Ako nalang ang nagprisintang kumuha nito dahil masyadong abala si Avery sa pagrereview samantalang si Ryuu naman ay hindi namin mahagilap, dalawang araw nalang bago ang Quiz bee at hanggang ngayon problema parin namin si Ryuu. Hindi namin nakikita sa kanyang intresado siya doon at ilang araw na din siyang umiiwas sa amin.

"Ano kayang problema no'n?" Bulong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga nalang ako at binilisan na ang aking paglalakad.

Sa aking paglalakad may mga bulungan akong naririnig , ewan ko kung bulong pa ba 'yon na matatawag o hindi. Napansin kong puro patungkol sa Quiz bee ang bulungan nila at mukhang hindi sila sang-ayon na sila Ryuu at Avery ang napili nila para maging representative ng school namin, hindi ko alam kung bakit issue sa kanila 'yon. Ano lang kung sila ang napili? Alam ko naman kayang kaya nila 'yon at wala akong nakikitang problema. Kumibit balikat nalang ako.

Pagdating ko sa isang double door, tumingala muna ako tsaka ko binasa ang plakang nakadikit sa itaas nito.

[Principal's office]

Lumiwanag ang mukha ko matapos ko 'yong mabasa. Nakarating din ako sa wakas. Kakatok na sana ako nang biglang may sumigaw, galing ito sa loob mismo ng Principal's office. Nag-aalangan kong hinawakan ang door knob tsaka ko ito sinubukang pihitin. Nanlaki ang mata ko nang magbukas ito. Umawang ito konti at may nakita akong pigura ng isang tao na nakatayo sa tapat mismo ng pinto.

"Bakit! Bakit ba hindi niyo ako pinakakinggan?! Hindi niyo ba nakikita! Wala siyang pakealam!? Napaka walang kwenta ng napili niyo!" Bahagyang kumunot ang noo ko matapos ko 'yong marinig. Pamilyar sa akin ang boses na 'yon. "Ako ang anak ng may-ari nitong school kung saan ka nagtatrabaho ngayon! Anong karapatan niyong balewalain ang mga sinasabiㅡ"

"Pwede ba , Diana! Wag mong pinapa-iral 'yang pagiging spoiled brat mo!" Sa mga oras na 'to hindi ako makapaniwalang si Ms.Harrison ang may ari ng boses na 'yon. Ito ang unang beses kong marinig siyang sumisigaw.

"Pero, Tita!" Sigaw ni Diana.

"Makinig ka ng mabuti Diana, Ang Mommy mo ang pumili kung sino ang magiging representative ng school na 'to para sa Quiz bee, hindi ako!" Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila noong una pero ngayon alam ko na, hindi ko namalayang humigpit na pala ang pagkakahawak ko sa door knob.

"Bakit hindi mo siya pinigilan?!"

"May rason kung bakit sila ang napili! Kaya hindi ako tumutol" Napansin kong kalmado na ngayon ang boses ni Ms.Harrison pero parang sobrang lalim ng sinabi niya. I mean parang may nakatago doon na hindi pwedeng malaman ng kahit na sino man. "Pwede ba wag kang sumigaw, sumasakit ang ulo ko dahil sa pagsigaw mo" Dugtong ni Ms.Harrison.

"Hindi na ako natutuwa sa mga desisyong pinaggagawa ni Mommy" Nag-ngingitngit na sabi ni Diana.

Doon na ako naglakas loob, binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at tumambad sa akin ang gulat na gulat na mukha ni Diana, Pagkatingin ko sa pwesto ni Ms.Harrison ganun din ang nakita kong naging reaksyon niya.

"Excuse me?! Anong karapatan mong pumasok dito ng walang permiso?" Napaismid ako. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa totoong pakay ko, tumigil ako sa harap mismo ni Ms.Harrison na nakaupo ngayon sa swivel chair niya.

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now