CHAPTER 13 : MR.VILLANUEVA

230 16 0
                                    

CHAPTER 13 : MR.VILLANUEVA

CIERIN'S POV

NAKANGITI kong pinagmasdan ang paligid , hindi pa ako nakakapasok sa gate ramdam ko na ang prisensya ng Foundation day. Rinig na rinig ko mula dito ang malakas na ingay mula sa Quadrangle. Lalo pa akong naging excited nang makita ko yung nakapaskil sa taas ng gate.

"WELCOME"

May mga balloons pang nakasabit sa tabi nito at banners ng different 'Classes' ng school. Maroon ang sumisimbolo para sa S class , Blue naman sa Class A , Green para sa Class B , Orange sa Class C , Yellow sa Class D at Violet naman para sa Class E.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder straps ng backpack ko at ngumiti hanggang tainga.

"Yesh! Magiging masaya ang araw na 'to" Tumango pa ako ng isang beses at napasuntok sa hangin bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad. Nahirapan pa akong makapasok sa gate dahil sa dami ng estudyanteng naka-abang sa labas , mukhang lahat sila'y excited na din kaya hindi ko sila masisisi kung bakit ako natagalan. Pagpasok ko napangiwi ako dahil sa nakita kong itsura ni Avery.

"Bakit ba kasi hindi ka nalang nagpasundo sa 'kin" Nakapamaywang pa nitong sabi sa 'kin. Natawa nalang ako at marahan kong hinawakan ang magkabilaan niyang balikat. Hinarap ko siya sa daan papuntang Quadrangle at tsaka ko siya marahang tinulak ng hindi man lang inaalis ang aking kamay sa kanyang balikat. No choice siya dahil mahigpit ang pagkakahawak ko sa balikat niya.

"Wag ka ng high blood , ok? Nandito naman na 'ko , Hindi pa naman siguro nag-uumpisa ang opening ceremony 'diㅡ"

"Kanina pa nag-umpisa" Putol niya sa sasabihin ko. Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Avery. Nako! Late na naman po kami. Kasalanan ko na naman 'to. Hinawakan ko ang kanang kamay ni Avery tsaka ko siya kinaladkad papuntang Quadrangle. Halos lakad-takbo na ang ginawa namin ni Avery para lang maabutan namin ang opening ceremony , hindi na namin pinansin ang mala-hagdan-hagdang palayan ng school namin ang importante umabot kami. Hindi ko naman maiwasang humanga sa mga nakikita ko habang papunta kami sa Quadrangle. Kahit saan ako tumingin makikita kong may mga makukulay na bandiritas , tarpulin at iba pang dekorasyon ang nakasabit sa puno at buildings.

Pagdating namin ni Avery sa Quadrangle naabutan namin si Madame Victoria na nagsasalita na sa harap , hindi na kami nagsayang pa ng oras . . . hinanap na namin kung saan nakapwesto sina Timothy at ang iba pa. Matapos ang ilang minutong paghahanap nahanap din namin sila dahil sa tulong ni Ryuu. Tumayo pa talaga siya para lang makuha ang atensyon namin ni Avery. Mabuti nalang at nakita niya kami kung hindi nako paktay!
Dali-dali kaming pumunta sa pinakaharap kung saan sila nakaupo , hindi na namin pinansin ang tinginan at bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Ang gusto ko ngayon ay makaupo na , sobrang pagod na 'ko.

"Sorry , We're late" Pabulong kong sabi sa kanila pagdating namin ni Avery sa pwesto nila , yumuko pa talaga ako para humingi ng tawad. Tinanguan lang ako ni Ryuu at muli na nitong itinuon sa harap ang atensyon. Naupo na ako sa tabi ni Timothy at Marahan kong itinuon sa harap ang aking atensyon. Kasalukuyan paring nagsasalita sa harap si Madame Victoria kaya halos lahat ng nandito ay nasa kanya lang ang atensyon.

"Everyone , hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ipinakita niyong teamwork at patience para sa Foundation day. Thank you everyone." Nakangiti nitong anunsyo. Nagsipalakpakan naman ang mga estudyanteng nandito ganun din ang mga program coordinators namin na nasa stage.
Pumalakpak din ako gaya ng ginawa nila , Well said. Wala akong masasabi dahil sa effort at teamwork na ipinakita ng bawat isa. "Dumating na ang araw na pinakahihintay ninyong lahat, Ang gusto ko sana 'y mag-enjoy at may matutunan kayo sa tatlong araw na gugugulin ninyo sa Foundation day. . .Tell the guards to open up the gate. Everyoneㅡthe gate is now officially open , Inaasahan kong. . ." Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod niyang sasabihin , Inilibot ko ang tingin sa mga estudyanteng tahimik na nakikinig sa mahaba-haba nitong speech. Lumiwanag pa lalo ang mukha ko dahil sa nakita ko , nakita ko lang naman kung gaano sila ka excited , bakas talaga sa mukha nilang lahat na hindi na sila makapag-antay na i-introduce ang kanilang stand. Kumibit balikat nalang ako. Well , ganun din naman ako. Alright! I'm fired up! Sisiguraduhin kong magiging memorable ang araw na 'to.

THE S CLASS PROJECTΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα