CHAPTER 7 : THE BEST DUO

233 18 0
                                    

CIERIN

"Anong meron?"

Napunta sa akin ang atensyon nilang lahat. Nasa malayo pa ako, kitang-kita ko na silang nagkukumpulan dahil sa hindi ko alam na dahilan. Kaya binilisan ko ang paglalakad kanina para alamin kung ano ang dahilan. Napansin ko ang puting sobre na hawak ni Timothy, dali-dali akong lumapit sa kaniya para tingnan kung ano ang laman ng sobre.

"Sino'ng naghahamon sa atin?" Kalmado akong tumingin sa kanilang lahat. Hinintay kong sumagot sila sa tanong ko, pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin akong nakuhang sagot. Napabuntonghininga ako. Napansin kong lahat sila ay nakatingin kay Timothy na para bang ipinahihiwatig nila na dapat itong manggaling kay Timothy.

"Timothy? Kanino 'to galing?" tanong ko sa kaniya, pero imbes na sagutin niya ang tanong ko, umupo siya sa sofa na malapit sa kaniya at nagbasa ng libro.

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino, dahil wala akong balak tanggapin ang hamon nila sa atin," nakangisi nitong sabi, pero nasa libro pa rin ang atensyon. "Magbasa ka na lang ng libro diyan at mag-focus ka kung paano mo ako malalampasan, Ms. Second Placer."

I pouted. Ang aga-aga, nang-iinis na naman siya. "Hoy, Timothy! I'll make sure na matatalo kita," taas-noo kong sabi sabay duro sa kaniya. Napunta sa akin ang atensyon niya.

I gave him my demonic smile bago ko itinuloy ang sasabihin ko, "Isang araw, luluhod ka sa akin at mag—"

"Stop dreaming, Ms. Second Placer."

Lalo akong nainis sa kaniya kaya hindi ako tumigil na sabihin sa kaniyang kaya ko siyang talunin nang biglang bumukas ang pinto ng palace.

"Ms. Pres?" nagtataka kong sambit.

Nakangisi siyang naglakad papunta sa puwesto namin. Pinagmasdan lang namin siya hanggang sa makarating siya sa puwesto naming anim.

"Long time no see, Ice," nakangising sabi ng dating president ng student council. Napaisip ako kung kailan ko siya huling nakita. Parang noong isang araw lang. Weird.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" taas-noong tanong ni Avery sa kaniya.

"Bakit? Bawal bang dalawin ang soon to be palasyo ko?" Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya. And then may biglang pumasok sa isip ko. "Alam ko namang una pa lang, hindi tatanggapin ni Humprey ang hamon ko sa inyo. Kaya napagdesisyunan kong pumunta na lang nang personal para sabihin sa inyong lahat na hinahamon ko kayo!"

"Tch. Spoiled brat," rinig kong bulong ni Avery.

"So? Ano sa tingin mo, Mr. Hot?"

Kung ganoon, siya nga ang nagpadala ng letter sa amin. Napabuntonghininga ako at kasabay niyon ang pagkuyom ng aking kamao. Lumapit siya kay Timothy, pero hindi iyon natuloy dahil mabilis akong nakagalaw; pumagitna ako sa kanilang dalawa. Taas-noo kong hinarap ang dating president ng student council.

"Good luck, Ms. Pres." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Napaatras siya dahil doon. Naramdaman kong nasa likod ko na sina Ryuu, Kerbie, Astrid, at Avery. Napunta sa kanila ang atensyon ko. Kitang-kita ko sa mukha nila na hindi sila natatakot sa hamon niya. Lalo akong natuwa sa mga nangyayari. Nararamdaman kong hindi kami matatalo.

"Good luck dahil wala kaming balak tanggihan ang hamon mo at magpatalo sa 'yo."

"Kung ganoon, humanda na kayo. Dahil sisiguraduhin kong ako ang papalit sa puwesto ninyong anim." Tumalikod siya at naglakad palayo, pero bigla itong huminto at muling nagsalita, "Siya nga pala, may nakalimutan akong sabihin. Dalawa lang ang puwedeng maging representative ninyo sa challenge ko. 'Yun lang."

THE S CLASS PROJECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon