CHAPTER 9 : TIMOTHY'S HAPPINESS

233 15 0
                                    

CIERIN

Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kusina, nadatnan ko roon sina Mama at Enzo, kasalukuyan na silang kumakain for dinner.

"Nandito na po ako," nakangiti kong sabi.

"Ate, kain na tayo," nakangiti ring sabi Enzo.

Tinanguan ako ni Mama na ang ibig sabihin ay sumabay na ako sa kanila.

"Ate, favorite mo 'yung ulam," sabi ni Enzo. I patted his head. Ibinaba ko muna ang bag ko sa isang upuan bago naupo sa tabi ni Enzo para kumain.

Ilang minuto ang lumipas at nag-umpisa nang magtanong si Mama tungkol sa pag-aaral namin o 'di kaya'y kumusta ang araw namin. Nakagawian na naming pag-usapan ang tungkol sa nangyari ngayong araw tuwing kakain kami. Nagkuwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain. Hindi naman sila na-bore sa ikinuwento ko, hindi ko na rin namalayan na buong detalye na pala ang nakuwento ko. Natawa pa talaga sila sa nalaman nilang deal namin ni Timothy. Ang ipagluto siya. Hindi ko rin naman ginusto ang napili niyang deal, pero ang ipinagtataka ko. Grabe ang tawa nina Mama at Enzo dahil doon. Talagang humagalpak pa sila ng tawa samantalang kasalukuyan silang kumakain.

"Ate, pumayag ka ba sa deal ninyo ni Kuya?"

"Aba, oo naman. Hindi ako si Ice kung tinanggihan ko 'yung deal na 'yon."

"Sana hindi ka na lang pumayag, Ate."

"At bakit naman? Mama, Tingnan mo 'tong si Enzo, walang bilib sa ate niya."

"Anak, nakalimutan mo yatang ilang beses na kaming muntik maospital dahil sa luto mo."

"E? Pati ba naman ikaw?"

"Naku, lagot na, baka makapatay ka niyan, Ate? Sa pagkakaalam ko, kaagaw mo pa siya sa ranking. Sigurado akong lalo mo pang papapangitin ang lasa," inosenteng sabi ni Enzo. I pouted dahil sa sinabi niya. Napakasama naman ng tingin sa akin ng kapatid ko.

"Ganiyan ba talaga kayo sa akin? Imbes na suportahan n'yo ako—"

"Ice , sinong ina ang gugustuhin na suportahan ang anak na magbabalak pumatay ng tao?"

"Punta na po ako sa kwarto ko. Thanks for the food," I said with my calm voice.

Tumayo na ako sa hapag at kinuha ang bag ko. Napabuga na lang ako ng hangin habang naglalakad. Nagtatawanan pa rin sila n'ong iniwan ko sila. Ano ba ang nakatatawa roon?

Pagpasok ko sa kwarto ko, nakanguso akong tumingin sa salamin na malapit lang sa kama ko. I just shrugged my shoulder at umupo sa kama.

"Ang bad naman yata nila sa akin?" sabi ko sa sarili ko. I sighed. Naramdaman kong nangangati na ako dahil sa natuyong pawis ko, so I decided na mag-shower na at magbihis na ng pambahay. Saktong pagkalabas ko ng CR nang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali akong pumunta kung saan ko man iyon iniwan. Pagtingin ko sa screen, napaawang nang kaunti ang bibig ko. Pangalan lang naman ni Timothy ang naka-display sa screen. He texted me.

Wala akong balak basahin ang message niya, so I put my phone sa side table. Pero wala pang limang minuto nang muli itong tumunog, at tumunong na naman hanggang sa tumunong ulit, again and again.

My face crumpled dahil sa inis. I had no choice. Inis kong kinuha ang cellphone at dali-daling d-in-ial ang number ni Timothy. Wala ako sa mood mag-type kaya tinawagan ko na lang siya.

"Yah! Bakit ba ang kulit mo?"

"Gusto ko lang ipaalala 'yung deal natin , Ms. Second Placer."

"So are you saying na may balak akong kalimutan ang deal natin?"

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now