CHAPTER 26: ACCEPT OR DECLINE

80 11 3
                                    

CIERIN's POV

"I'm sorry..." I said, napabuntong hininga nalang ako at napahawak ako ng mahigpit sa 'king palda. My heart was beating so fast.

"Bakit ka nags-sorry, Icy? Astrid asked, na may halong pag-aalala sa kanyang mukha.

Avery looked at me with her curious eyes. "Don't tell me you're accepting their offer?"

Hindi ako nakaimik sa tanong ni Avery. Lahat sila'y nasa sa'kin lang ang tingin at walang sino man sa kanila ang naglalakas loob na alisin ito.

I closed my eyes and sighed. I know they're waiting for my answer. Umiling ako at muling binuksan ang aking mga mata. "Kabaliktaran," sabi ko, kalmado lang ang boses ko.

"What do you mean?" Tanong ni Ryuu.

"Habang naglalakad ako kanina palabas ng S class palace biglang may na-realize ako." Huminga ako ng malalim.

Lumiwanag ang mukha ko nang sandaling hawakan ni Avery ang dalawang kamay ko, binigyan niya din ako ng tingin na para bang sinasabi na 'kaya mo 'yan.'

"I'm sorry, dahil late kong na-realize ang tungkol sa bagay na 'to." Panimula ko. "Una sa lahat hindi ko naman na dapat 'to pinag-isipan pa ng matagal. Pangalawa, I don't need a power. I don't need anything from them. All I need is friendship at wala akong pakealam kung ano ang tingin nila sa atin. Pangatlo, hindi tayo talunan. Ngayon nakapag desisyon na ako, hindi ako lilipat! Dahil masaya na ako kung saan ako ngayon." Mahaba-haba kong paliwanag sa kanila na ikinagulat nila pero agad din 'yong napalitan. Alam ko sa sarili kong napaka cold ng pagkakasabi ko doon pero mukhang kabaliktaran naman ang naging epekto no'n para sa kanila. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa kanilang mukha. Si Timothy ay todo ngumiti din pero agad siyang tumingin sa ibang direksyon nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, habang si Ryuu naman ay kumindat pa sa akin habang pinapakita ang napaka cute niyang ngiti.

"Ice, matagal-tagal na din tayong magkaibigan at hanggang ngayon madami pa akong hindi alam tungkol sa'yo, gayunpaman may isang bagay na sigurado ako, hindi mo kayang iwan ang mga importanteng tao sa buhay mo and you're not a coward." Nakangiting sabi ni Avery sa akin. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. She's right, duwag lang ang kumakampi sa mga kagaya nila.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Astrid. Dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa akin ay halos hindi na ako makahinga.

"Uh? Astrid h-hindi na ako makahinga" Sabi ko habang tinatapik ang kanyang balikat.

Natawa naman ng malakas sina Kerbie at Adrian dahil doon.

"Gusto mo bang samahan ka namin na pumunta sa Lenshington University?" Alok ni Ryuu sa akin.

Umiling ako. "Hindi na kailangan," I said with my neutral voice.

"Sigurado ka ba diyan, Ice? Gusto mo bang samahan nalang kita, ako nalang ang isama mo wag na sila o ihatid nalang kita?" Nakangiting alok naman ni Avery sa akin. Grabe, ginagawa naman nila akong bata. Kaya ko kayang pumunta doon ng mag-isa, hindi naman ako maliligaw doon eh.

"Ryry, wag ng makulit. Pupunta ako doon ng mag-isa. Walang mangyayari sa akin at hindi ako maliligaw"

"Fine, antayin ka nalang namin sa maid café. Okay na ba?" Pinanliitan pa talaga ako ng mata ni Avery habang sinasabi 'yon. I just nodded.

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now