CHAPTER 14 : UNO CARDS

213 14 0
                                    

CHAPTER 14 : UNO CARDS

CIERIN'S POV

Papunta kami ngayon ni Timothy sa school clinic at hanggang ngayon ay buhat-buhat parin niya ako. Hindi ko alam kung anong klaseng surot na naman ang pumasok sa isip niya. . . bigla ba naman akong buhatin. Pwede naman niyang sabihin nalang na sumunod ako sa kanya. Hindi ba niya alam na gumagawa siya ng eksena. Halos lahat ng babaeng nasa hallway ngayon ay nasa amin lang ang tingin at kung makatingin sila akala mo may ginagawa kaming masama. Ang sarap tusukin ng mga mata nila.

"Saan mo ba ako dadalhin?"
Nasa malamig na tono kong tanong kay Timothy.

"School clinic" Matipid nitong sagot sa tanong ko ng hindi man lang inaalis sa daan ang tingin.

Hindi ko alam kung bulag ba 'tong si Timothy o likas na insensitive lang siya. Hindi ba niya alam na tunaw na tunaw na'ko sa mga ma-iinit na mata ng mga babaeng nandito ngayon sa hallway. Urgh! Napapikit nalang ako ng mariin at napahilamos gamit ang isa kong palad.

"Ibaba mo na 'ko" Utos ko kay Timothy.

"Malapit na tayo"

"What theㅡ Haisshh" I took a deep breath para pakalmahin ang sarili ko.

"Hindi naman ako lumpo para buhatin mo. . .Kamay ko ang may pilay hindi ang paa ko!" Nagulat din ako sa sarili kong boses. Kahit anong gawin ko hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko. Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko! Naiinis ako na ewan!

"Pwede ba? Wag kang sumigaw" Nakangiwi nitong sabi.

"Eh kung ibaba moㅡAray!" Napahawak ako sa pwet ko dahil sa ginawa niya. Darn it! Ibinaba niya nga ako pero hindi sa maayos na paraan. Bigla nalang niya akong binitawan at nauna ng naglakad. Dali-dali akong tumayo sa sahig kung saan niya ako binalibag. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumakbo para habulin si Timothy. Nang malapit na ako sa kanya hindi ako nagdalawang isip na batukan siyaㅡang kaso naka-ilag siya.

"Dummy"

"Pardon?"

"I saidㅡHey?" Bigla nalang akong nawalan ng balanse kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya. Ewan ko kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti nalang nasalo't naalalayan niya ako kaagad gamit ang kanan niyang braso, nakapulupot ito ngayon sa baywang ko at halos isang dangkal nalang ang pagitan naming dalawa. Bigla nalang akong hindi makahinga dahil sa nakikita ko ngayonㅡAng mga mata niya. Para akong nalulunod dahil sa mga mata niya.

(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)

Sobrang lapit niya sa 'kin at Kitang-kita ko ngayon ang mala-galaxy niyang mga mata. Stop that , ICE! Ipinilig ko ang ulo ko at napahawak ako sa sentido ko.

"Are you okay?" Kunot noo nitong tanong sa'kin.

"Y-Yeah , I-I'm F-Fine" Nauutal kong sagot.
Tumayo ako ng tuwid at nauna ng naglakad. Nakatungo lang akong naglakad hanggang sa malampasan ko siya.

Narinig ko siyang natawa kaya inis ko siyang tinignan.

"What?"

THE S CLASS PROJECTजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें