CHAPTER 23 : FINALLY

104 12 0
                                    


CIERIN'S POV

"B-Ba-Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa amin ICE?" Nakatulalang tanong ni Adrian sa akin. Tinignan ko sila isa-isa at nakita kong pare-pareho silang nakatulala sa akin. I just flashed him a bitter smile and took a deep breath.

"I think you don't trust us, are we really your friends?" Tanong din ni Kerbie. Hindi din ako nakaimik doon. Nabalot ng katahimikan ang buong silid , I don't even know what to do. Nasabi ko na sa kanila ang totoo, buong detalye pero bakit gano'n?

Wala pang ilang segundo nang biglang. "Are you crazy?! HUWaaaaahhhhh! All this time tinatago mo sa amin ang pagiging Cutiepie mooo! Waaahhh! Ang coool! Excited na'kong makita ka na naka Maid Outfit!" Napakunot noo ako sa mga sinabi ni Adrian, hindi lang 'yon dahil mas lalo akong nagtaka dahil sa reaksyong ipinakita ni Adrian ngayon, he is being hyper and excited?

"Baliw , nagsuot na din ng Maid Outfit si ICE." Natatawang sabi ni Kerbie. "Remember noong Foundation Day, Right Avery?" Dugtong nito.

"T-teka? Nagsuot na ba siya nun, Babe?"

"Yeah, At pwede ba wag kang sumigaw Adrian"

"Waaaahh! Ikaw parin naman mas CUTETIEPIE Babe~"Pasigaw parin na sabi ni Adrian at tsaka niya niyakap ng sobrang higpit si Avery.

Natawa nalang ako at marahan din akong yumuko para pasimpleng punasan ang aking luha na tumulo. Pagkatingin ko sa kanilang lahat ay nakangiti lang sila sa akin. Napaawang konti ang bibig ko dahil sa nasaksihan kong reaksyon nila. "H-Hindi kayo galit sa akin?" Nauutal kong tanong sa kanila. Lumapit sa akin si Avery at Astrid and i didn't expect what happened next, niyakap nila ako ng mahigpit and they both laughed while saying "Actually we are so proud of you, ICE"  Napakagat ako sa pang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko, hindi ko na din namalayang tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. "I'm so sorry" Paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

Marahang napunta sa gawi ni Timothy ang atensyon ko, nakasandal lang ito sa pinto habang naka halukipkip. He gaved me a look saying : Finally. Tumango ako dito at ngumiti.

"ICE! Excited na akong makita kang nakasuot ng Maid Outfit" Nakangiting Sabi ni Justin. Napailing nalang ako at kinuha na ang Maid Outfit ko sa trolley bag ko.

"Magbibihis kana ba, ICE? Waaaahhh! Sa wakas!!!" Pasigaw na sabi ni Adrian.

"Pwede ba wag kang sumigaw? Nakakabingi kana" Sita ni Kerbie kay Adrian.

Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay aakto na sana akong lalabas ng bigla akong pinigilan nila Avery at Astrid.
"ICE , pwede ba kaming sumama sayo?"

"Sure!" Nakangiti kong sabi.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang papunta kami sa kabilang kwarto, doon kasi ang naging pansamantalang dressing room namin for the stuff na kinuha ni Manager. Napagkwentuhan din namin ang nangyari kung bakit kasama nila ngayon si Timothy at kung bakit dito sila dumiretso. Di naman kalayuan ang kwartong 'yon kaya naman mabilis kaming nakarating dito. Pagkapasok namin sa kwarto ay naupo na muna sa sofa sina Avery at Astrid.

"I'll be right back, mabilis lang naman 'to" Paalam ko sa kanila at dumiretso na 'ko sa CR para magbihis. Napatigil ako saglit nang may napagtanto ako. Nabitawan ko ang paper bag na hawak ko at mabilis kong naitakip ang kanang kamay ko sa bibig ko. "H-Hindi" Hindi makapaniwalang sabi ko. Paano na 'yan! Paano kung pagtawanan nila ako mamaya dahil sa Bunny Costume na 'yon.

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now