CHAPTER 4 : THE PERVERT slash STALKER JERK

340 14 1
                                    

CIERIN

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay pumasok nang maaga, pero sinusubukan ko pa ring pumasok nang mas maaga pa kumpara sa mga past record ng pagpasok ko sa school. Hindi naman biglaan ang pagpasok nang maaga, ang importante sa akin ngayon ay hindi na ako tulad ng dati na madadatnan ko silang nasa kalagitnaan na ng discussion.

"Ice? Hindi ka pa papasok? Akala ko ba nagmamadali ka?" tanong ni Mama sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na tulala na naman ako. Hayst! Ang aga-aga, tulala na naman ako! Napatampal ako sa noo ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at dali-daling kinuha ang bag ko na nakapatong sa upuang nasa tabi ko.

Inubos ko muna ang baso ng gatas bago ako nagpaalam kay Mama,
"Papasok na po ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Mama sa akin, tumakbo na ako palabas ng bahay.

***

Pagkapasok ng gate, pikit-mata kong nilanghap ang malamig at sariwang hangin na nagmumula sa loob ng campus.
"Sa wakas, nandito na ako," sabi ko sa sarili ko.

This is it! Kailangan ko na namang ipakita kay Timothy na hindi lang ako second! Alright! Moete kita zo!

[Moete kita zo! I'm fired up!]

Simula noong mabuo ang S Class, naging hobby ko na ang ipakita kay Timothy ang galing ko pagdating sa lahat ng bagay; lakas, talento, at iba pa para mapatunayan sa kaniya na hindi lang ako second placer.
Lalo akong nagsipag sa pag-aaral. Hindi dahil second o nasa S Class ako, kundi dahil kay Timothy. Lagi niyang ipinamumukha na second lang ako at hindi iyon puwede! Never akong naging competitive sa buong buhay ko, pero dahil sa ginagawa niya, lalo akong nakukumbinsing ibigay ang lahat ng makakaya ko. Hindi ako tinuruan ni Mama na sumuko sa mga bagay na kaya ko pang ibigay ang pinaka-best ko.

"Tama, hindi lang ako se—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa nakaririnding pagtili ng isang babae. Nakabibingi at halos mawalan pa ako ng balanse dahil sa gulat.

"Kyaaahhh! Si Ice ng S Class!" sigaw ng isa pang babae na kung makatili, akala mong nakakita ng guwapong lalaki. Ako lang naman ito, bakit kailangang tilian at ang malala, babae pa! Hindi puwede 'to! Ang gusto ko lalaki, hindi babae!

"No way, siya ba 'yan?" tanong ng isang babae na kung makatingin sa akin, parang gusto akong kainin. Ugh! I like boys. Kinikilabutan ako. Literal ba namang naghugis-puso ang mata niya at kaunti na lang, tutulo na ang laway niya. Hayst!

"Siya , ang pinaka-cool at pinaka-the best na member ng S Class."

"Tingnan mo 'yung uniform niya, ang ganda at bagay sa kaniya. Ang cute!"

"Hindi tayo nagkakamali! Siya si Ice ng S Class!"

"She's the rank two in S Class, correct me if I'm wrong."

"Ang galing niya!"

"Oo nga!" sabi ng isa pang babae. Napabuntonghininga na lang ako. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad, pero hindi pa ako nakasasampung hakbang nang biglang nila akong palibutan. Nakatayo sila nang tuwid habang nakatingin sa gawi ko. May isang lalaking sumenyas sa kanilang manahimik sila saka ito sumigaw.

"Ready? Batiin n'yo ng magandang umaga si Ice ng S Class."

Nanlaki ang mata ko dahil doon. Napakapormal naman yata nilang magsalita? Lalo tuloy akong kinikilabutan sa pinaggagagawa nila.

Tumango sila, saka sila sabay-sabay na yumuko. "Good morning, Ice," sabay-sabay nilang sabi.

Napahawak na lang ako sa batok ko bago ako yumuko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mga ito, pero binati ko na lang din sila pabalik, baka sabihin pa nilang snob ako. Wala pang ilang minuto, bigla na naman silang nagsigawan, may mga tilian din akong narinig. Umiiling kong ipinagpatuloy ang paglalakad. I can't! Hindi ko na 'to kakayanin, masisira lang ang eardrums ko sa sigawan at tilian nila.

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now