CHAPTER 2 : SECOND

432 15 1
                                    


CIERIN

"Ice!"

Nagising ako dahil sa sigaw ng isang pamilyar na boses. Bigla ko na lang naramdaman ang pangangawit ng leeg ko. Marahan kong hinaplos ang likod ng leeg ko, napaisip ako na siguro kanina pa ganito ang puwesto ko. Sinubukan kong imulat ang mata ko, pero may liwanag na sumisilaw sa akin kaya hindi ko ito tulayang naimulat.

Sinubukan ko ulit itong imulat. Pagkamulat ng mata ko, tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Avery. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa gilid kaniyang baywang, samantalang nakakurba naman ang kaniyang siko.

"B-Bakit?" nauutal kong tanong sa kaibigan kong seryosong nakatingin sa akin.

Humalukipkip siya at napangisi. Weird?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" maawtoridad nitong tanong sa akin.

Napakunot-noo ako.
Ang naaalala ko lang naman ay binabantayan ko ang bago naming kaklase sa clinic dahil baka magkagulo na naman kung hindi ko siya babantayan. I answered her question, sinabi ko na kailangan kong bantayan si Timothy rito sa clinic. That was all. Iyon lang naman talaga ang dahilan ng pag-stay ko rito.

"Look!" Avery said sabay turo sa maliit na hospital bed na nasa tabi ko.

"Nasaan siya?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita kong wala na pala ang binabantayan ko.

"Pumasok na," matipid na sagot ni Avery na may halong pagsusungit sa tono ng boses niya.

Naku, lagot! Tumakbo ako palabas ng clinic, sumunod naman sa akin si Avery sa pagtakbo. Hindi ko na pinansin ang hagdang nadadaanan namin, ang importante ay makarating kami sa classroom namin. Noong nasa hallway na kami ng building, narinig kong nagsalita si Avery kaya medyo binagalan ko ang pagtakbo.

"Alam mo, hindi ka na lang sana pumayag na samahan siya sa clinic, ikaw pa tuloy 'tong hindi nakagawa ng activity."

Napahinto ako sa pagtakbo. Tiningnan ko si Avery na para bang may nagawa akong kasalanan, iyong kasalanang hindi na mababawi pa ng sorry. Waaah! Seryoso! Hindi ba siya nagbibiro?

Nah, baka naman niloloko lang ako ng babaeng 'to?

"Seryoso, Ryry? Sus, nagdiyo-joke ka lang, e," natatawa ko pang sabi. "Yieee. Tatawa na 'yan! Alam kong joke mo lang 'yan," dugtong ko. Automatic na nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong wala man lang pagbabago sa mukha ni Avery. Seryoso nga siya! Shets! Ayaw ko na!

Inhale . . . exhale.

Calm down, hindi mo kailangang maghisterikal.

"Idlein Cierin Elizabeth, mukha ba akong nagbibiro?"

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi dahil sa naging tono ng boses ni Avery. Maawtoridad ito at mukhang mangangain ng tao. Waaah! Mama! Nitatakot ako ni Avery!

"Ryry! Ibig sabihin, totoo nga 'yung sinabi mo?" nakanguso kong sabi. Lumapit ako kay Avery saka ko siya hinawakan sa kanan niyang braso. Bumuntonghininga siya saka pinisil ang pisngi ko nang sobrang lakas. Shakit n'on, a!

"Seriously, bakit ka pa kasi pumayag na ikaw ang magbantay roon? Puwede namang ibang tao, tingnan mo tuloy, hindi ka nakapasa ng activity. Ang malala, major subject pa natin 'yun."

"Wow, relax ka nga lang Ryry, ako na ang bahala roon. Saka 'wag ka ngang bad riyan, malay mo, may rason siya kung bakit hindi niya ako ginising."

"Tch! Pinagtatanggol mo ba siya?"

"H-Hindi, a!" nauutal kong depensa sa hinala ni Avery. Pero shets! Bakit ba ako nauutal? Hindi ko naman talaga siya ipinagtatanggol, e!

"Hindi lang natin alam na baka sinadya niya na iwan ka roon. My ghad, Cierin! Ang talino mong tao, pero never 'yun pumasok sa isip mo?"

THE S CLASS PROJECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon