CHAPTER 16 : QUIZ BEE

190 13 0
                                    

AVERY'S POV


At dahil tapos na ang Foundation day bumalik na sa dati ang lahat , may ibang abala na sa pag-aasikaso ng kanilang thesis, may ibang nakatambay sa library, canteen at iba pa dahil wala silang subject ngayon, may iba namang nasa kani-kanilang classroom na at abalang nakikinig sa kanilang Professor. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang S class palace, dahil vacant namin ngayon at wala akong magawa, doon muna ako magpapalipas oras tutal nandoon din naman ang mga kaibigan ko.

Pagdating ko sa S class palace ay nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Mukhang hindi parin sila nagkakaayos. Bumalik na nga sa dati ang lahat pero mukhang hindi pa sila bumabalik sa normal, sino pa ba? Wala ng iba kundi si Ice at Humprey. Tinignan ko si Ryuu na kasalukuyang nagbabasa ng libro sa tabi ni Ice, i gaved him a look saying 'Anong meron sa dalawang 'to' he just shrugged and continue reading, mukhang wala din siyang ideya kung bakit sila nagkakaganyan. Simula kagabiㅡSimula noong umalis siya para hanapin si Humprey, nagkaganyan na si Ice. Hindi kaya'y nag-away sila nung gabing 'yon? Ipinilig ko ang ulo ko.

Normal na 'yon para sa kanila. Sabi ko sa isip ko. Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa tabi ni Astrid na mukhang abala sa pag-aayos ng kanyang make-up kit.

"Hindi mo ba nahahalata?"

"Ang alin?" Tanong ni Astrid sa 'kin. Tumigil siya sa ginagawa niya tsaka niya ako hinarap. Tinuro ko si Ice at Humprey gamit ang nguso ko, 'di naman ito nagdalawang isip na tignan ang dalawang kaibigan namin na pinalilibutan ngayon ng kakaibang aura.

"Hindi"

"Nababaliw kana ba? Ang ibig sabihin ni Babeㅡ" Binigyan ko ng isang malakas na suntok si Adrian sa kanyang braso dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi ko.

"Babe naman , ano na naman bang ginagawa ko sa'yo" Huminga ako ng malalim tsaka ko siya tinapunan ng isang matalim na titig. "Ambad niya sa akin Astridddd. Wahhhh, Wala ngayon sa sarili si Ice para iligtas ako. Astrid tulungan mo akoooo" Maktol ni Adrian sabay hawak sa kaliwang braso ni Astrid. Pinagtawanan lang siya ni Kerbie, samantalang si Astrid naman ay gulat na gulat dahil sa ginawa niya. Urgh! Hindi ko alam kung bakit o paano siya nagkaroon ng ganitong ugali. May sira na yata 'tong lalake na 'to.

"Pwede ba tumahimik ka!" Sigaw ko kay Adrian na kasalukuyan paring nakahawak sa braso ni Astrid. Inis akong tumayo sa kinauupuan ko tsaka ko siya kinaladkad palayo sa kanila. Hindi ko na alam kung paano linisin yang kalawang sa utak mo. Nag-ngingitngit kong sabi sa isip ko. Nakakainis kana Radian!

"Pero love mo naman ako diba?"

"Manahimik ka! Sinabi ko bang pwede mong basahin ang nasa isip ko!?"

"Pero , babe kita" Naikuyom ko ang kamao ko sa inis.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumalabit sa akin. "Uhh? Excuse me? Nandito ba si Ice?" Napunta sa taong 'yon ang atensyon naming dalawa ni Adrian. Kinilatis ko siya mula ulo hanggang paa. He look so familiar to me.

"Hindi ba ikaw yung Justin kahapon na bigla nalang yumakap kay Ice?" Naikunot ko ang noo ko sa sinabi ni Adrian. Yeah i think he's that guy.

"Y-yeah?" Nauutal na sagot ni Justin sa tanong ni Adrian.

"Bakit mo siya hinahanap?"

"Babe wag mo naman siyang tarayan"

"Pwede ba manahimik ka! Isa pa! Sisipain na kita!"

THE S CLASS PROJECTWhere stories live. Discover now