CHAPTER 71

81.1K 1.5K 116
                                    

HAPPY  V-DAY  GUY'S.. SORRY NGAYON LANG NAKAUPDATE, SOBRANG BUSY SA OFFICE DAHIL SA MGA ACTIVITY NGAYON FEBRUARY.

ENJOY READING. GOD BLESS

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..

"Dear Diary,

 

Hindi ko alam pano ko sasabihin kay nilo ang mga nangyayari sakin pamilya. Natatakot akong humingi ng tulong sa kanya lalo na kung tungkol ito kay Kuya Kenneth. hanggang ngayon, hindi ko alam kung pano ko siya matutulungan maging sila amang. 

Si kuya ang nagbunga ng sakit sa kanya na dumurog halos ng kanyang pagkatao. kaya nakikita ko na suntok sa buwan kung hihilingin ko sa kanya ang paglaya  patungkol sakin kapatid.

Sila amang naman, ang totoo'y hirap na hirap na ako. Galit na galit ako lalong lalo na kay Don Neal dahil sa ginagawa nilang paggigipit samin. Totoo ngang makapangyarihan ang pera. Kaya nitong magmanipula ng mga inosenteng tao alang alang lamang rito.

Kaya nitong baliin ang isang prinsipyo para lamang magkaron ng maayos na buhay..

Kaya nga ako natanggal sa trabaho eh. Ginamit nila ang kanilang mga koneksyon para mapadali ang pagtanggal sakin. Isa isa nilang inaalis ang mga kabuhayan makakatulong samin para makamit ang hustisya."

"Dear Diary,

Ganito pala ang feeling kapag nakagawa ka ng malaking kasalanan sa isang taong ayaw na ayaw mong makitang nasasaktan. 

Tinanggap ko ang perang inalok sakin ni Don Neal kapalit ng kaayusan ng aking pamilya at ng ibang taong nakapaligid sakin.

Masakit kasi para ko na rin binaril ng patalikod  si nilo sa mga desisyon kung ito.

Bakit ko kailangan magsakripisyo?

Bakit ko kailangan bitawan ang pagmamahal ko sa kanya?

Hindi ba pwede ko nalang pagsabayin ang pagmamahal ko sa kanya at sakin pamilya?

Tulad rin ako ng iba. Binigyan ko ng presyo ang aking pagkatao. at sakin ginawa ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

 

"Dear Diary,

 

mabigat ang aking pakiramdam habang nakaupo ako sa eroplanong maglalayo sakin sa mundo ni nilo. 

Simula sa araw na ito ay magbabago na ang lahat samin. Kapalit ng kapayapaan sa gyerang sinukuan ko ay ang pagyakap ko sakin sarili at sakin anak.

Diyos ko, kayo na ho ang bahala samin. Wag na wag niyo ho kaming pababayaan. 

Hindi ko hinihiling na patawarin ako ni nilo dahil kahit ako hinding hindi ko magagawang mapatawad ang aking sarili, subalit hinihiling ko ang kaligtasan at pag-iingat sa kanya.

A war with the TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon