CHAPTER 19

119K 2K 31
                                    

"Diba sinabi ko sayo na wala ka nang ibang eentertain na lalaki. bakit nandito pa rin ang asungot na yun?" galit na sabi ni nilo sa kanya. napahawak siya sa kanyang wrist dahil sa higpit na paghila ng binata sa kanya. 

dito siya dinala sa parking ni nilo. sunod sunod ang ginawang paghinga ni tina dahil para siyang nawawalan ng hangin. hindi pa rin siya makarecover sa mga nangyari.

Wala siyang mali sa mga ginawa niya. wala siyang alam na darating si harvey at mas lalong wala siyang balak na eentertain ito o anuman.

she never cheat to anyone and she will never do that to Nilo.

" Wala akong alam na nandito siya. tinawagan nalang niya ako kanina nung pababa na ako galing ng office." 

" Bakit mo tinanggap ang bulaklak na binigay niya..."

"Walang mali sa pagtanggap ng bulaklak sa kanya. kaibigan ko si harvey, oo nanligaw siya pero dati yun!!" galit niya rin sabi rito. ang totoo'y naiinis siya sa inakto ni nilo. hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kay harvey. mabuting tao ang lalaking yun at naiintindihan niya kung bakit ito nasaktan ng ganun.

Siya itong may kasalanan. Inisip niya kasi na kaya hindi na nagpapakita sa kanya si Harvey ay dahil ayaw na nito sa kanya. wala naman nagsabi sa kanya kung san ito nagsusuot suot.

Mali talagang magpaasa. lalo na kung nagbibigay ka ng matinding motibo sa mga taong umaasa. aminado siya sa pagkakamaling iyon at humihingi siya ng tawad kay harvey sa kanyang ginawa.

" kaya ba ang tagal tagal mong umalis ng lobby ganun ba? kasi enjoy na enjoy ka na makipaglandian sa lalaking yun!!" natigil si tina sa pakikipagtalo rito. kahit si nilo rin ay natigil ng marealize ang kanyang mga sinabi.

This is useless. ani tina sa sarili. walang patutunguhan ang usapan ito. hindi siya naglalandi o anuman. wala siyang ginagawang mali sa pakikipag-usap kay harvey.

kaya lang ay hindi matanggap ng kanyang pagkatao na mangagaling ang mga salitang iyon kay nilo.

God know's how much she love him. pero ang unfair lang. Wala siyang dapat na patunayan rito dahil alam niya sa sariling hindi masama kaibiganin ang dati mong kaibigan. 

Why is he doing this to her.

Nalaman niya na wala itong tiwala sa kanya. sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan ay mauuwi lang sa ganito ang lahat. siguro nga mali ang naging desisyun ni tina na sagutin ito. 

dapat pala ay mas kinilala niya pa ang dating nilo. hindi niya alam, pero parang hindi na niya kilala ang taong ito.

"Hindi ako nagloloko nilo at mas lalong hindi ako naglalandi. pero kung yan ang inisip mo, bahala ka."  tumalikod siya rito at dahil nahihirapan siya sa kanyang suot na heels ay tinanggal niya ito. 

nakakalungkot.

nakakapanghina. 

hindi sapat ang lahat ng yun para masira lamang ang kanilang nasimulan. pero ang sakit lang sa kanyang parte dahil kelangan niyang makarinig ng mga ganun salita galing rito.

katulad rin ba siya ng ibang tao. tinitingnan rin ba siya nito kagaya ng pagtingin ng iba. kasi siya, hindi niya kayang husgahan ito dahil lamang sa mga nakita niya rito.

Natuto na siya noon at hindi lahat ng nakikita ng dalawa mong mga mata ay totoo. minsan, may estorya sa likod ng mga kasinungalingan nakikita mo. may mga bagay na hindi nakikita ng mga mata at nararamdaman ng puso.

pero agad din siyang natigil ng higitin siyang muli ni nilo.

"Baby I'm sorry, I never meant that. galit lang ako, I'm sorry." kinukuha nito ang kanyang pisngi at pinapahirap sa kanya at siya naman pag-iwas at paglayo sa binata.

A war with the TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon