CHAPTER 31

84.7K 1.5K 65
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

Kanina pa si tina hindi bumabalik mula sa washroom. Mabuti nalang at wala na ang kanyang pamilya dahil alam ni nilo na hindi nito magugustuhan kung makikita nila siyang kasama si tina.

Hinabilin pa sa kanya na isama niya si janeth pero agad na niya iyong tinanggihan. ilang minuto pa siyang naghihintay hanggang sa nagdesisyon na siyang utusan ang isang guard na kasama nila na puntahan si tina.

"Sir wala na ho si mam don." bigla siyang napamura sa sinabi nito at dali dali niyang tinungo ang CR. nahinto ang ilang kababaihan nandon nang isa isa niyang halughugin ang lahat ng cubicle. 

"Tina." tawag niya pero wala siyang sagot na narinig.

Shit... mura niya ulit at agad na inutusan ang kanyang mga kasama na hanapin ang dalaga. bumalik siya sa hall at siya naman pagspeech ng kanyang ama. wala don ang kanyang focus pero napaangat siya ng mga mata ng marinig niyang tinatawag siya nito paakyat ng stage.

napalingon sa kanya ang mga tao at hindi niya alam kung matutuwa ba sa ginawa ng ama niya. sa huli, kahit na nag-aalala siya kay tina ay nagawa niyang maihakbang ang kanyang mga paa patungo sa stage.

"I'm very proud of my son of all his achievements in life. akala ko nga ay hindi siya yayayaman noon but look at him now, he have the power to control everything. a man that I always want him to be." naasiwa siya sa paghawak nito sa kanyang balikat habang tumatawa ang ilang mga kilalang taong nandon. mayroon rin mga media at kumuha ng kanyang litrato.

maya maya lang ay nagsalita muli ang kanyang ama.

"And I would like to announce to all of you the biggest event in our family and I wanted all of you to witness the wedding of my son." nag-igting ang kanyang panga sa huling sinabi nito. ano na naman kaya ang pangulo ng matandang ito. 

"Janeth anak, come here." nabaling ang mga mata niya sa babaeng nakasuot ng magarang damit. maganda ito sa ayos nang buhok at parang lumulutang ito sa suot ng heels.

" Alam naman natin lahat na matagal nang nagsasama ang aking anak at si janeth. Gusto kong ianunsyo sa inyong lahat....." 

"ENOUGH!!" humalahaw ang kanyang sigaw sa buong hall na nagpatahimik ng buong paligid. naging alerto ang mga security at agad na tinakpan ang mga mediang nandon.

" WHAT THE HELL ARE YOU DOING OLD MAN?" galit niyang sabi sa kanyang ama.

"I'm doing the right thing nilo, watch your mouth!!" naramdaman niya ang kamay ni janeth sa kanyang bisig at agad niya iyon hinawi.

"Kung gusto mong magkaron ng kasal ay kayong dalawa ang magsama!! Stop bullshitting my life." asik niya sa sariling ama,

"Aba't..." nahinto ito sa pag-aktong pagtampal kay nilo ng malaman nasa harap sila ng maraming tao.

"Nilo sandali.: si janeth ng umalis siya sa harap ng mga ito. 

"Janeth I don't know what you want pero nag-usap na tayo rito. kung ipipilit mo ang sarili mo sakin ay masasaktan kalang." 

"Nilo please, pagbigyan mo na ang papa mo. hindi naman namin ito ginagawa dahil sa gusto kita, I want to do this because of caulder. hindi ka ba naawa sa anak natin. He want's a family. he wants us to get married, yung maging buo tayo." nahinto siya sa paglalakad. 

Umiling siya sa kanyang sarili. Gusto niya rin na magkaron ng isang pamilya ang kanyang anak. and he will be forever sorry dahil hindi niya kayang pagbigyan ang kagustuhan nitong pakasalan ang ina ng kanyang anak.

A war with the TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon