CHAPTER 55

72.2K 1.2K 110
                                    

5 YEARS AFTER...

"Congratulation Ms. Sabordo." Inabot kay tina ang isang plaque of recognition ng kanyang pinoy na boss. 

"Sir, salamat po talaga rito." hindi pa rin siya makapaniwala sa achievement na nagawa sa kompanyang pinagtatrabahuan. Katatapos lang ng isa sa maituturing niyang pinakamalaking project niya para sa mga ito at dahil sa kanyang determinasyon na makuha ang inaasam na promotion ay nagawa niya ng mahusay ang trabaho.

"You deserve the promotion tina. You did a great job for the Sitress account." Ang tinutukoy nito ay isang multi company account kung san naipanalo niya ang bidding para sa project. Malaki laki iyon and so far, ito ang kauna unahang kontrata ng kompanyang pinagtatrabahuan para sa nasabing kompanya.

Isa isa rin siyang kinongradulate ng mga katrabaho at masayang nagpablow out ang kanilang boss para sa tagumpay na tinamasa.

"Ohhh isang shot para kay tina.." ani sa kanya ni Zie, isa sa kanyang mga katrabaho na pinay rin. umiling siya sa mga ito ng inabutan siya ng isang baso ng tequila.

"Sige na, isa lang naman eh. tsaka walang lason yan. hindi ka malalasing sa isang shot lang." pamimilit nito sa kanya.

"Go tina!! Go Tina!!" sabay sabay na sigaw ng kanyang mga kasama. wala siyang nagawa kundi tanggapin ang alok na alak ng mga ito at minadali niya iyon tinungga. Dumaloy ang mainit na likido sa kanyang lalamunan at napapikit siya sa pait ng lasa.

"WOOOHHH!!" sigawan ulit.

pinahid niya ng panyo ang kanyang bibig at kinuha ang lemon para maalis ang pait na nanatili yata sa kanyang bibig.

" Friend, hindi mo ba dala ang sasakyan mo?" si Camille katrabaho niya rin.

"Dala ko. kaso nasa opisina. Daanan nalang natin mamaya pag-uwi." tumango ito sa kanya at nagpatuloy ang masaya nilang selebrasyon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink in sa kanyang isipan ang tagumpay na natanggap. Masaya rin siya dahil naapreciate ng kompanyang pinagtatrabahuan ang kanyang dedikasyon. 

Well sa kahit na anong trabaho naman ay binibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya. 

Magtatalong taon na siya sa kanyang pinapasukan and so far, lahat ng kanyang expectation ay nangyayari naman. 

Lumipas ang ilang oras at nagdeisyon na silang umuwi. kagaya ng napag-usapan nila ni Camille, bumalik silang muli sa opisina para kuhanin ang kanyang kotse. bawal kasi ang magdamagan parking ng sasakyan sa building.

" Alam mo dapat talaga nagjojowa kana para may taga hatid at sundo sayo lagi eh." sabi sa kanya ni Camille habang nagdadrive siya sa kahabaan ng Michigan Avenue. 

" Wow ha, ikaw nga na may jowa ni hindi ka masundo dyan eh." katwiran niya pa rito. magkapitbahay lang sila ni Camille at may kinakasama itong mexikano.

" Eh wala ngang kotse tsaka nauuna pa akong umuwi ron."

" Eh di ikaw ang sumundo." ngumuso ito sa kanya.

"Sus, ang mga babae dapat sila ang sinusundo ng mga lalaki. dapat sila ang pinaglilungkuran ng mga ito."

"Ah, kaya pala yang jowa laging naglalaba ng mga panty mo no kasi under sayo." humalakhak siya ng tawa rito.

"Hooy hindi ah." pagdedeny nito. nung isang araw lang ay nakita niyang nagsasampay ng mga damit si Santi ng mga nilabahan nilang mga damit.

A war with the TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon