PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...
"Anak, panu mo?" tinaas ni tina ang kanyang kamay para pigilan sa pagsasalita ang kanyang amang. Punong puno ng pagtataka ang anyo nito habang nakayingin sa kanya,
"Hindi na ho importante kung pano ko ho nakuha yan. Ang mahalaga, ay naibalik na satin ang titulo ng buo at maari na kayong bumalik sa kapehan anumang oras." hinaplos niya ang balikat ng di makapaniwalang ama.
"Pero teka, san mo naman nakuha ang pera.." sandali itong nahinto at tila may napagtanto. " Si nilo ba ang nagbayad nito?" ramdam niya ang pag-aalinlangan sa boses nito. sunod sunod ang kanyang pag-iling at lumapit sa inang na nagtutupi ng mga nilabahan damit.
"Meron ho akong kaibigan na linapitan para hingian ng tulong. Kasama ko siya dati sa Firm na pinagtatrabahuan ko." mabuti nalang at hindi siya napiyok sa ginawang pagsisinungaling sa mga ito. huminga siya ng malalim at malaki ang ngiting pinapagaan ang kanyang paligid.
"Aba'y napakabait naman ng kaibigan mong yan, maari mo bang imbitahan rito para naman makapagpasalamat kami." Sandaling nag-isip si tina ng idadahilan sa mga ito.
"Nasa Cebu ho ngayon siya para magbakasyon kasama ng pamilya niya. Hayaan niyo na po siya, nakapagpasalamat naman na ako."
"Eh pano mo naman to babayaran?"
"Inalok niya ho akong magtrabaho sa kanyang kompanya. Consultant firm din po yun. Sabi niya ay unti unti ko nalang daw bayaran habang nagtatrabaho ako sa kanya." nagtinginan ang kanyang inang at amang na wari'y nahihiya sa kanyang binigay.
" Nakakahiya naman sayo anak. Alam ko na maganda at maayos ang trabaho mo ngayon sa bangko, napilitan ka pa tuloy lumipat." anang ng kanyang ina.
" Wala ho yun. Ang importante ay naibalik na satin ang lupa at makakaluwag na ho tayo." sandali siyang nagtungo sa mesa kung san nakapatong ang kanyang bag. May kinuha siya don na mga papel at lumapit muli sa mga magulang para iabot.
Nagsalubong muli ang kilay ng mga ito at halata ang pagtataka.
" Nagbooked na ho ako ng flight para sa byahe ninyo mamaya.Baka hindi ko na kasi maasikaso ang mga ito kapag nagtrabaho na uli ako."
lumunok ang kanyang amang at dahan dahan inabot ang ticket sa eroplano.
"Aba anak, hindi naman kami nagmamadali na umalis. Isa pa, kailangan rin namin dalawin ang kuya mo. aba'y matagal na kami rito pero ilang beses lang namin siya nakita."
Sandali siyang nag-isip sa mga sasabihin. Alam niyang maraming mga tanong ito sa kanya.
" Wala na ho si kuya ngayon sa Bilibid. Kasalukuyan po siyang nakakulong sa ibang departamento. Kinuha po kasi siya bilang witness laban sa mga sindikato. Tsaka pinagbabawal ho muna ang bumisita sa kanya." pagpapaliwanag niya sa mga ito. Sandaling natigil ang pagtatanong ng kanyang mga magulang at tila winawasto ang bawat pangyayari.
Kahit siya, hindi niya rin gusto na umalis ang mga ito agad subalit kailangan niyang masiguro na makukuha niya ang kanilang napagkasunduan ni Don Neal. Sa loob ng kanyang pagkakilala sa pamilya nito, alam niyang maniniguro muna ito sa kanya bago tuluyan ibigay ang kanyang mga hiling.
Sa ngayon ay naiayos na niya ang kanyang problema sa kanyang kuya. Nailipat na ito ng magandang ospital at naging mabilis ang pagproseso nito lalo pa't makapangyarihan ang mga buenaventura.
BINABASA MO ANG
A war with the Tycoon
RomanceCristina Sabordo. Nagtatrabaho bilang isang consultant sa isang maliit ng firm sa Maynila. Naging independent siya sa kanyang sarili nang malayo siya sa kanyang pamilya. Nagmahal, Pinangakuan. Iniwan, Nasaktan, Nagbago... Pain changed her life. Sim...