CHAPTER 29

102K 1.6K 21
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....

“May problema ba tina?” matalim na tinitigan ni nilo ang lalaking kausap ng kanyang nobya at hindi niya maiwasan magngitngit ang galit sa kanyang damdamin ng makilala ito.

Ito ang lalaking nagbalak na manligaw noon kay tina. Tsaka anong ginagawa ng mga ito? Bakit sila magkasama?

“Sino ka?” tanong ni nilo sa kasama ng nobya.

“Nilo siya si Amado, kaibigan ko siya nung College." hindi maiwasan hindi mag-alala ni tina. knowing Nilo Buenaventura, kunin na ang lahat sa kanya, wag lang ang babaeng mahal niya, charut.

"Pare.." naglahad ng kamay si amado sa kanya. tinaasan lamang niya iyon ng kilay at hindi pinansin.

Suplado talaga... bulong ni tina sa sarili.

"Papa.." sigaw ng dalawang bata sa likuran ni amado at ngumiti ang tinawag nitong papa at inabot ang dalawang batang babae. 

"Ito pala si Monique and Misha, Kambal ko." tila nag-iba ang templa ng mood ni nilo ng malaman may anak na ang lalaking nagpapakilala sa kanya kanina. ito na naman ang pagiging rational na. Yung ego niya na pagiging possissive kay tina ay umaandar na naman. 

But what will he do, noon pa man, kaya niyang makipagpatayan sa kahit sinong lalaki na lumalapit kay tina. Yung tipong kapag may lalaking maghabol ng tingin sa babaeng mahal niya ay mamatay.

and this guy, siya ang rason kung bakit niya nagawa ang mga maling bagay noon. akala niya kasi ay pinagpalit siya ni tina sa amadong ito. hindi sa nagmamayabang siya oh ano, pero alam niya sa sariling malayo ang agwat nila ng lalaking ito.

hindi niya rin inalam noon ang buong estorya kung ano nga ba ang huling nangyari ng makita niya ito. Mali nga talaga siyang hindi manatili ng sandaling lumuluhod ang lalaking ito sa paanan ng kanyang reyna. 

siya lamang ang pwedeng mahalin ni tina. No one will ever replace his place to her heart.

she's mine. Mine alone.

"Ang gaganda naman ng mga anak mo, mukhang kamukha ng nanay ah." nalaman niya na ang napangasawa ni amado ay ang isa sa mga katulong ng mga ito sa kanilang bahay. Mayaman ang kaibigan, may ari ito ng mga Fish pond sa bayan ng Victoria.

"Oo nga eh. Sana nga sa sunod namin kamukha ko na." hindi maiwasan hindi matawa ni tina sa tinuran ng lalaki. malaki ang pinagbago ni amado. hindi na ito ang dating playboy na kilala niya. noon kasing college sila, kaya hindi niya magawang magustuhan ito dahil marami itong babae. Ikinagulat niya noon na magpapaalam itong manligaw sa kanya, hindi niya iyon seneryuso dahil sila pa ni nilo, tsaka ang tulad ni amado noon ay hindi talaga magseseryuso sa isang relasyon.

Pero nung isang araw na may event sa kanilang campus, hindi niya inakala na gagawa ito ng isang kahindik hindik na pangyayari. unexpected ang ginawa nitong pagluhod sa kanyang harapan with matching band on the background. bago pa yun ay nagliliparan ang mga pulang lobo at binigyan siya nito ng isang bungkos na bulaklak.

She was caught on guard at wala siyang pwedeng gawin kundi tanggihan ang pag-ibig nito sa kanya. mahal niya si nilo at hindi niya magagawang talikuran ito dahil lamang sa nawalan sila ng komunikasyon.

Hindi naman na naging mapilit ito sa kanya, naging magkaibigan sila at nakita niya ang pagbabago nito ng makilala nito si Arianne. iyon ang katulong na pinag-aaral ng kanyang mga magulang sa UEP.

Sandali lang rin ay nagpaalam na ang mga ito. masaya siya kahit papano dahil naging maganda at maayos ang buhay ni Amado. akala niya talaga ay hindi ito makakagraduate ng college.

A war with the TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon