Chapter 5

112 7 2
                                    

[Chapter 5]

*****


(ALEERA POV)

"Uulitin nyo pa ba yung ginawa nyo ha?!"- tanong ko sa kanila.

"H-Hindi na po."- sagot nilang lahat

Ngumiti ako.

"Umalis na kayo."- pagkasabi ko nun nagsi-takbuhan na silang lahat

"WWHOOOOAAAAAAA ANG GALING MO!!"

Nagulat naman ako bigla, ngayon ko lang napansin na marami na palang tao. Tsk!

Agad akong lumapit kay Manong.

"Manong mag-iingat po kayo sa susunod ha."- sabi ko tapos nilagyan ng limangpiso yung lalagyan nya.

"Maraming salamat iha, pagpalain ka ng panginoon."- napangiti naman ako sa sinabi ni Manong.

"Sensya na manong wala rin ako eh, sige ho."- pagkasabi ko nun tumakbo na ako pabalik kila Rayden.

Napaupo agad ako sa upuan ko, pagtingin ko kay Rayden nagpo-photoshoot pa rin. Anong oras kaya matatapos photoshoot ng lalaking 'to?

_____________________________

(RAYDEN POV)


After photoshoot lumapit ako kay Alee, pagtingin ko sa kanya tulog na siya ngayon. Tss, napagod ba siya sa kakabugbog sa mga adik na 'yon?

Napahinga naman ako ng malalim at akmang gigisingin na siya pero napahinto ako bigla.

Naiimagine ko bigla yung nangyari kanina ..

Y-Yung pagtanggal ng ponytail ng buhok nya.

Napangise ako, ano bang nangyayari sa'yo Rayden?! Tssh!

"Huy!"- niyugyog ko sya. "Huy gising!"

"Hmmf ano ba?!"- hinampas nya yung kamay ko, ang sakit nun ha.

"Papasok na ako sa school kaya gumising kana dyan!"

Marahan naman siyang napadilat, tapos napadiretso sya ng upo nang makita nya ako.

"S-Sorry, tapos na?"

Tumango ako.

Tumayo siya at inayos ang bucket hat nya, napapalunok ako .. bakit ba nakalugay ang buhok nya?

"Ipitin mo nga 'yang buhok mo!"

Tumingin siya sa akin at halatang nagtataka.

"Itali mo, ang init-init."- reklamo ko pa sa kanya

"Fine."- kumuha siya ng pang tali mula sa bulsa nya.

"Tara na."- sabi nya at nauna nang maglakad sa akin habang iniipitan ang buhok nya.

Napapa-slow yung tingin ko sa kanya.

I-I see her neck ..

Fvck?!

Nagmadali akong lumapit sa kanya at saka hinila yung ipit nya, nakalugay na ulit siya ngayon.

Lumingon siya sa akin.

"Ano bang problema mo?!"- naiinis na siya.

"M-May nakita akong maliit na gagamba sa buhok mo."- eme ko

"Ha?"- sabay gulo nya ng buhok nya at chinicheck ang ulo nya.

Napahinga ako ng malalim.

"Let's go."- nauna na akong maglakad sa kanya.

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon