Chapter 42

43 3 1
                                    

[Chapter 42]

*****

(ALEE POV)

Bago ako umuwi sa bahay galing school dumiretso muna ako sa pwesto ni Papa. Naabutan ko naman siyang nagbibilang na ng benta nya.

"Kumusta po ang benta?"

Napatingin siya sa akin, medyo nagulat.

"Nakakagulat ka bata ka, heto medyo ayos naman anak."- sambit nya at nagbilang ulit

Umupo naman ako sa tabi nya at kumuha ng isang chicharon na baboy.

"Heto bayad."- inabot ko agad sa kanya yung 10 pesos. Natawa si Papa at napailing nalang.

"Bakit ka nandito? Hindi ka pa dumiretso sa bahay para makakain kana dun."

"Wala lang naman po, gusto ko lang i-check kayo dito."

"Ayos na ako anak kaya huwag ka ng mag-alala."

Napangiti naman ako, pero nagtaka ako dahil biglang nandidilim ang paningin ko. Pumikit ako at dumilat ulit pero blurd pa rin ang tingin ko sa paligid. Tumingin ako kay Papa, naaaninagan ko si Papa pero malabo pa rin.

Kinabahan na ako.

"P-Pa? H-Hindi ko po kayo gaano makita Pa. Papa hindi kita gaano makita!"- automatic na tumulo na ang luha sa pisnge ko

"A-Ano? Anong nangyari? Bakit?"- naramdaman kong hinawakan ako ni Papa sa magkabilang braso ko

Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot na naman bigla. At sobrang sakit ngayon.

"A-Ang sakit po! Ang sakit po ng ulo ko , Pa! P-Papa .."- sambit ko habang umiiyak sa sobrang sakit

"Anak ano bang nangyayari sa'yo?!"

___________________________

(RAYDEN POV)

"Goodjob! .... *click* ..... very good Rayden! .... *click* ..... *click* .... Okay goodjob, 10 minutes break."

Napahinga ako ng malalim at dumiretso na agad sa dressing room. Pagdating ko sa loob umupo agad ako sa harap ng salamin at uminom ng tubig.



"Why? Natatakot ka ba? Natatakot ka ba na mawala siya sa'yo?"

"Why? Natatakot ka ba? Natatakot ka ba na mawala siya sa'yo?"

"Why? Natatakot ka ba? Natatakot ka ba na mawala siya sa'yo?"




Padabog kong nailapag yung baso sa table nang maalala 'yon bigla.

"What happened?"- tanong ni Sherlyn sabay yakap nya sa akin mula sa aking likuran

Tinanggal ko naman ang braso nya. Halatang nagulat siya sa inasta ko, nakikita ko ang reaksyon nya dahil nasa tapat kami ng salamin.

"Why?"- irita nyang tanong

Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Just don't touch me."

She smirked.

"Bakit? Hindi mo ba makalimutan ang nangyari sa ating dalawa?"

"Hindi, hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang nakakasukang araw na 'yon na pagka-gising ko kasama kita sa kama."

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon