Epilogue

106 4 2
                                    

[Epilogue]

*****

2 Years Later ..

"Sir kailangan na daw po kayo sa meeting sabi ng Daddy nyo."

"Okay susunod na ako."- i said then nagmadali akong magligpit ng ibang gamit dito sa ibabaw ng lamesa ko

After that I proceed to the office na. Naabutan ko naman na nag-sstart na ang meeting, diretso lang ako at naupo na. Medyo mahaba ang meeting, kung ano-ano ang pinag-uuspan tungkol sa kumpanya.

After 1hr and and 30 minutes natapos ang meeting. Naiwan kami ni Daddy dito sa office.

"Are you okay?"- he ask me

"Yeah, I'm fine Dad."

"Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo last night, lumabas na naman ang sakit mo."

Napahinga ako ng malalim at napapikit.

Yes, I have hang over. Then inatake na naman ako ng sakit ko, mabuti nalang din at kasama ko si Warren that time. Napainom kasi nang di oras, hays.

"I'm already fine Dad, don't worry "- i said

"Okay, mauna na ako sa'yo."

Ngumiti nalang ako at tumango.

Maya-maya bumalik na rin ako sa office ko, nagulat naman ako sa sumalubong sa akin.

"At saan ka galing ha?"

"Ate? Ginagawa mo dito?"- i ask then pumasok ako sa loob at naupo sa upuan ko

"Ano kaba? Ngayon na ila-launch ang cover magazine's mo at yung mga billboard mo."

"Ano naman?"

"Anong ano naman? Alam mo ikaw lang talaga ang kilala kong model na hindi natutuwa sa mga achievements."

Napangise naman ako.

"Matagal na akong ginagawang covered magazine, marami na rin akong billboard dati pa. So what now?"

"Aba kay yabang din naman talaga kapatid ko no?"

Medyo napatigil naman ako. Nakakatuwa lang dahil pati si Ate eh tanggap ako kahit hindi ako tunay nyang kapatid.

"Oo na, lalabas ako mamaya para tignan."- i said

_______________________________

Nandito na ako sa Recto para tignan ang bubuksan na billboard ko. Lumabas ako ng kotse ng naka-disguised para hindi ako makilala ng iba.

Pero pagtingin ko hindi pa nabubuksan ang bagong billboard. Chineck ko yung time, ang sabi saktong 3pm daw, wala pa palang 3pm so hintay-hintay.

Napatingin naman ako sa kabilang area, naalala ko bigla noong nag-photoshoot ako dito dati kasama si Alee. Dito ko rin siya nakitang makipag -laban sa tambay na lalaki. At alam ko sa sarili ko na doon ako na-inlove sa kanya.

Hays! Heto na naman ako, napapangiti sa kawalan nang dahil sa'yo Alee. Kailan ka ba babalik? Kailan ka ba uuwi ulit sa akin?

"Bastos!"

Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Nakita ko na parang sinampal nya yung lalaki na nasa likuran nya.

"Bakit mo ko sinampal ha?!"- galit na tanong nung lalaki

"Kunwari ka pa?! Manyakis ka!"

"Anong pinagsasabi mo?!"

"Manyakis! May manyakis!"- sigaw ng babae

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon