Chapter 43

46 3 3
                                    

[Chapter 43]

*****

Kinabukasan ..

Nandito kami ngayon sa taxi ni Papa, hindi ko alam kung saan kumukuha ng pera si Papa, gusto kong tanungin pero wag nalang muna.

"Saan po ba tayo pupunta?"- i ask him

"Sa school mo, sasamahan kitang mag-asikaso ng mga requirements mo para pwede ka mag-aral sa bahay para sa kung ganun hindi masayang ang pag-aaral mo."

Ngumiti nalang ako ng bahagya at tumango. Sa bagay, pwede rin naman 'yon.

Pagdating namin sa harap ng main gate nilibot ko agad ang paningin ko mula sa labas mg taxi.

Sana makita kita Rayden ..

Kahit na 'yon lang, magiging masaya na ako.

Paglabas namin ng taxi napatingin agad sa akin ang ibang estudyante na nandidito sa labas.

Napalunok ako.

Dahil sa medyo nahiya ako ng konti, nagsuot ako ng sumbrero at medyo ibinaba ko ito sa aking mukha.

Pagdating namin ni Papa sa registrar inasikaso namin agad ang mga requirements ko.

Habang may pinipirmhan siya, ako naman nananatiling nakalibot ang mga mata ko sa buong campus at hinahanap siya.

May saya , excited at kaba akong nararamdaman ngayon. Ewan ko ba, baka lang kasi talaga ganito ang feeling kapag excited mo gustong makita ang taong mahal mo.

"Bawal nga sa'yo yun, baka mapano pa si baby."

Napatigil ako bigla dahil sa narinig kong boses.

Hindi ako maaaraing magkamali dahil boses 'yon ni ..

Lumingon ako.

"Don't worry Rayden, hindi naman ako malakas uminom ng wine eh."

Halos lumanta ang buong katawan ko nang makita kong magkasama sila Sherlyn at Rayden.

At hindi lang 'yon, nakahawak si Sherlyn sa braso ni Rayden.

A-At yung narinig ko ..

B-Baby???

Nung medyo papalapit na sila sa pwesto namin tumalikod muna ako at hinawakan ang sumbrero ko.

"Pwede bang huwag ka nalang umattend dun? Hindi ako mapapakali kung pupunta ka pa dun para lang maki-party at iinom ka pa. Buntis ka, Sherlyn at ayoko lang na mapano ang baby natin."- dinig kong sambit ni Rayden

Parang dinudurog yung puso ko.

B-Buntis si Sherlyn???

"Babe sumama ka nalang kaya? Samahan mo ko."- Sherlyn said

Feeling ko huminto sila sa bandang likuran ko.

Napalunok ako at napahawak sa bibig ko. Sobrang sakit! Pakiramdam ko iiyak nalang ako bigla dito dahil sa nakita at mga naririnig ko ngayon sa kanila.

B-Bakit??? Bakit kailangan masaktan ako ng ganito???

"Alee, anak?"

Nabigla ako nang tawagin ako ni Papa at lumapit sya sa akin.

Pinunasan ko agad ang mukha ko.

"P-Pa?"- i ask

"Tara na, umuwi na tayo."

Tumango nalang ako ng marahan at yumuko habang papaalis kami ni Papa. Bago kami makalabas sa main gate lumingon ako sa pwesto nila Rayden.

He's looking at me ..


When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon