Chapter 14

71 5 0
                                    

[Chapter 14]


"Tss, let's go bago pa magsara yung restaurant dito."

Tumango ako at ngumiti.

Pagdating namin sa restaurant na sinasabi nya, halos mamangha na naman ako. Ang ganda! My god! Huhu.

"Ang ganda dito oh."- tinuturo ko sa kanya yung mga malalaking ilaw sa itaas yung maraming baso na naka-display! WOW!!!

Pero kokonti lang ang tao, pagbilang ko .. apat lang yung kumakain.

"Bakit iilan lang yung kumakain sa restaurant na 'to?"

"Because this is private restaurant, para lang 'to sa mga tumutuloy sa hotel na 'to."

Napa-whoaa ako, oo nga pala bakit hindi ko naisip 'yon? Tssh.

Umupo kaming dalawa ni Rayden sa isang lamesa, hindi mawala yung ngiti ko dahil ang ganda talaga lahat ng nandidito.

"Ngayon ka lang ba nakapasok sa isang restaurant?"- he ask

Siguro nawiwirduhan na sa akin to.

"Hindi naman, pero ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kalaki at kagandang restaurant."- i smiled

Napatango-tango siya.

"Ang weird ko no? At 'yon ang sinasabi ngayon ng utak mo."- natatawang sambit ko sa kanya

"No, ang nasa isip ko .."

Tumingin ako sa kanya.

"Ano?"- i ask

"You're just a simple girl .."

Napatigil ako sandali.

Natahimik kami parehas, napaiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa mga basong nasa harap ko.

Bwiset bakit kailangan sabihin 'yon? Tssh, ang ackward tuloy sa pakiramdam.

"Sir, Ma'am .. "- may lumapit sa aming tatlong lalaki at binaba nila yung mga pagkain namin sa lamesa.

WOOOWWWW!!!!

Kahit nakatakpan pa yung mga pagkain feeling ko ang sasarap na. Huhu! Nagugutom na ako.

"Enjoy your dinner, Ma'am , Sir."

"Thank you."- Rayden said

"Salamat po."- i said

Then after that ..

"Kumain ka na."- he said then siya na yung nagbukas ng mga takip, halos mamangha ako.

Ang daming pagkain! Waaaaaa!!!

"Teka, picturan ko muna."- i said then kinuha ko yung phone ko at agad na pinicturan yung pagkain

"Tapos ipo-post mo sa socmed ganun?"

Natawa ako ng slight.

"Hindi ha, iki-keep ko lang. Memories din 'to no."- sabi ko habang chinicheck yung mga pictures sa phone ko , hehe!

"Pagkain? Memories?"

Tumingin ako sa kanya, kahit kailan talaga napaka-manira ng moment 'tong lalaking to.

"So anong gusto mo ikaw picturan ko?"- then tinapat ko sa kanya yung phone ko at agad na pinicturan siya ng ilang shots.

"Oh ayan marami ka ng picture. Tss!"- pagkasabi ko nun pinatay ko na phone ko then kumain na agad ako.

Pagtingin ko sa kanya tumatawa siya.

"Anong nakakatawa?"

"Wala."

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon