Chapter 32

54 4 1
                                    

[Chapter 32]

*****

Nandito kami ngayon sa bahay namin, nakatayo ako at nakatingin lang kay Rayden na nakaupo ngayon sa upuan habang pinapahiran nya ng yelo ang pisnge nya.

Tumingin siya sa akin na parang nahihiya then umiwas agad.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa iskinita na 'yon ha?!"- i ask him

"W-Wala."- sagot nya, napailing ako.

Nakakagalit dahil paano kung hindi lang yan ang natamo nya?

"Rayden huwag mo nga akong pinagloloko! Paano kung hindi lang yan ang natamo mo ha? Paano kung wala ako dun? Paano kung hindi ko nilapitan yung nangyayari sa iskinita na 'yon?!"

"I-I'm sorry okay? Hindi ko naman alam na pagtitripan ako dun."

"Eh ano nga kasing ginagawa mo dun?!"

Tumingin siya sa akin ng marahan.

"I-I followed you."

Napatigil ako sandali sa sinabi nya.

"Really? Kung sinusundan mo ko bakit nandun ka sa mapanganib na iskinita na 'yon?"

"Because I was looking for another possible shortcut, p-para hindi mo ako makita."

Hindi na ako makapagsalita. Nanggi-gigil ako na ewan.

"Mukhang maayos ka na. Umalis ka na bago ka pa makita ng Papa ko."- seryoso kong sambit

"But i just want to talk to you."

Tumingin ako sa kanya. Naalala ko tuloy yung ginawa nya sa tuition fee ko.

"Rayden please? Umalis ka na."

"I miss you."

Napalunok ako.

Tumayo siya at mas lumapit pa sa akin.

"Ngayong alam ko na kung saan ka nakatira, gusto kitang ligawan. Aakyat ako ng ligaw dito mismo sa bahay nyo."- he said softly

Ang bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko.

"I'm sorry for the last thing I told you that day, I didn't mean to."- he said whispered

Napalunok ako.

"Pero sinabi ko na sa'yo hindi ba? May iba akong gusto at si Warren 'yon."

He smirked.

Napapasalubong ang dalawang kilay ko.

"Warren is my best friend, do you think he won't tell me everything?"

Nagulat ako sa sinabi nya. W-Wait, ibig sabihin ..

"Oo Alee. Alam ko na ang lahat. And I'm so so sorry for what my Mom did to you."

Napapikit ako ng madiin. Lintek na Warren.

"Umalis ka na, Rayden."- awtoridad na utos ko sa kanya

"Are you still mad at me?"

"Hindi ako galit sa'yo."

"Then ano 'tong ginagawa mo?"

"Dahil ayoko ng pumasok pa ulit sa buhay mo."

Halatang napatigil siya sa sinabi ko.

"Ayoko na."- namuo bigla ang luha sa mga mata ko

"Nararamdaman ko na mahal mo pa rin ako."- he said

"Tama ka, mahal kita. Pero anong magagawa ng pagmamahal ko sa'yo para sa ikakabuti mo? Anong magagawa nun para sa career mo? Wala Rayden! Ako ang sisira sa lahat ng pangarap mo."- I'm crying

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon