Chapter 8

108 5 2
                                    

[Chapter 8]


(RAYDEN POV)

Habang nasa biyahe, nanlalaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na pababa ng pababa ang kamay ni Alee. Hanggang sa napahawak siya sa mismong belt sa baewang ko.

"A-Ano ba 'yang hinahawakan mo?"- tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumasagot.

"H-Ha?"- she ask

Napa-sigh ako, tsk! Hinawakan ko ang kamay nya at itinaas ng konti.

"Pababa ng pababa yang kamay mo eh."- sabi ko pa

Natahimik siya at hindi nagsalita. Hindi ko alam pero napangise ako bigla.

___________________________

After that nandito na kami sa clubhouse.

Saturday ngayon at wala akong klase kaya okay lang siguro kay ate kung tumambay muna ako dito.

Pagbaba namin mula sa motor tumingin ako kay Alee habang nahihirapan siyang tanggalin yung helmet na suot nya.

Tss, ang tapang nya minsan pero minsan may pagka-shunga din. Pagkaligpit ko ng helmet ko lumapit ako sa kanya.

"Ako na."- i said

Hinawakan ko yung helmet at tinanggal yung lock, pagtanggal ko sa kanya .. nagtama ang mga mata namin bigla.

Hindi na naman ako makagalaw.

B-Bakit ganito ..

A-Anong nangyayari sa akin?

"Rayden?!"

Natauhan naman ako at agad na lumayo, napatingin ako kay ate. Napahinga ako ng malalim.

"Ano na naman, ate?"

"May ate ka?"

Tumingin ako sa kanya at tumango lang, then lumapit na kami kay ate. Si ate nakatingin lang kay Alee.

"Magandang umaga po."- bati ni Alee sa kanya.

"Siya ba yung bodyguard mo?"- Ate Helsey ask

"Yeah, she is."- i said

Napatango-tango siya at ngumiti kay Alee.

"Tara pasok ka sa loob."- hinila nya agad si Alee papasok sa loob.

Tss, sabi na nga ba eh. Tsk baka kung ano-ano ipautos nitong babaeng 'to kay Alee.

After that pumasok na rin ako sa loob, medyo nagulat ako dahil maraming tao ngayon dito.

"Rayden wala kang pasok?"- She ask

"Wala."- umupo ako sa tapat ng counter, tumingin ulit ako sa paligid. Halos ang ibang naglalaro dito mga ka-school mates ko.

"Umiinom ka ba?"- nagulat naman ako sa tanong ni ate kay Alee.

"Hmm yeah, bakit po?"- Alee said

Napasalubong ang dalawang kilay ko.

"Umiinom ka?!"- gulat kong tanong

"Oo naman, anong masama dun?"

Hindi ako sumagot, tss tinalo pa ako ng babaeng 'to? Samantalang ako hindi umiinom. Tssh!

"Okay. So let's chilax."- naghanda si ate ng maiinom nila, hindi ko naman alam kung ano yung mga nilabas ni ate na alak. Eh wala nga kasi akong alam, hindi naman ako lasenggo katulad ng mga ibang lalaki dito. Tsh!

"Si Rayden po ba hindi umiinom?"- Alee ask

Napangise lang ako at uminom ng juice.

"Hindi umiinom yan, takot magka-allergies."- sabay tawa ni ate, tsh

"Wow ha, kailan pa ko tumikim ng alak?"

"Hindi mo maalala? Halos mangati ang buong katawan mo nung tumikim ka ng konting alak."- inaalala ko naman yung kwento ni ate, huh? Kailan 'yon?

"May allergie ka sa alcohol?"- Alee ask

Narealize ko naman agad at naalala 'yon, Oo nga pala! Last year nung birthday ko tumikim ako ng alak that time, kaso nangati agad ang buong katawan ko then parang may naramdaman akong something kaya simula noon, hindi na ulit ako uminom.

"Nangangati lang ang buong katawan ko, then nagkaka-pantal."

Napatango-tango naman si Alee.

"Oh, tagay mo."- binigyan ni ate si Alee ng isang basong beer.

"Ate baka malasing 'yan!"

"Don't worry, matagal naman ako tamaan ng beer."- Alee said

Tssh! Yabang.

Hindi ko na sila pinansin at umalis nalang ako dun, tinawagan ko naman si Warren.

"Hello tol, where are you?"

(Nandito sa condo, why?)

"I'm here sa clubhouse, punta ka inom tayo."

(Baliw! Kung makaaya ka akala mo naman umiinom ka.)

Natawa nalang ako.

"Basta pumunta ka nalang."- pagkasabi ko nun binaba ko na, pumunta naman ako sa mga naglalaro ng billiard.

"Omg, he's Rayden De Villa?"

"Yeah, he is."

"Sobrang gwapo nya!"

Napangiti naman ako sa kanila ng slight, then lumapit sila sa akin.

"Can I take a picture with you?"- tanong nung isang babae

"Sure."- i said, then tumabi sa akin yung isa then picture.

"Ako naman girl."- nagpapicture din sa akin ang isa.

After pictures ..

"Can 8 ask something?"- tanong nung isang babae.

"What?"- i ask

"Y-You have a girlfriend?"- nahihiyang tanong nya

I smirked ..

"I'm still single."

Halos ngumiti sila ng sobrang lapad at kinikilig ito. Whoa! Iba na talaga ang lakas ng charisma mo, Rayden. Haha!

"Omg, kailan ka maggi-girlfriend?"

Napaisip naman ako, kailan nga kaya? Actually I'm NGSB. Yeah! Ayaw nyong maniwala? Edi wag.

"Hindi naman pina-plano kung paano ka magkakagusto sa isang tao, right?"- i said

"Omg! Nakakakilig ka, Rayden."

"Eh ngayon, may nagugustuhan kana ba?"

Napatigil ako sandali. Napatingin bigla ang mga mata ko sa direksyon ni Alee.

Umiwas agad ako ng tingin.

"W-Wala, hindi ko pa nakikita ang babaeng para sa akin."

Napatango-tango sila habang kinikilig.

"Eh sa amin, may type ka ba sa aming tatlo?"

Tinignan ko naman sila at pilit na hindi ako tumawa.

"Magaganda kayo girl's, some day makikita nyo rin ang lalaking para sa inyo."- nakangiting sambit ko sa kanila.

Kinilig naman silang tatlo.

"Whooaaa .. Rayden?"

Napatingin ako sa nag-salita. Unti-unting nawala ang mga ngiti ko.

Ang grupong 'PIC'. Means, Partner's In Crime. Sila lang naman limang lalaki na sikat sa campus at kilala silang lahat dahil may mga itsura din sila.

Pero isa lang ang pinaka-kilala ko sa kanilang lima. At ang ayoko ay ang makita ang pagmumukha nya.

Nakaramdam ako ng badtrip kaya tumalikod na ako, pero hinawakan nya ang balikat ko.






To be continued ...

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon