Chapter 35

47 4 6
                                    

[Chapter 35]

*****


Nandito ako ngayon sa gym, kakatapos ko lang mag-train kaya naman nandito lang ako at nakaupo habang pinapanuod ang iba.

"Oh bakit wala kang imik dyan?"- tumabi sa akin si Xennie

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Wala pagod lang."

"Nakita ko ang ginawa mo kanina kay Sherlyn."

Nagulat ako at napatingin sa kanya.

"N-Nandun ka?"

Tumango siya at ngumiti.

Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Hays!

"Why?"- she ask

"Dapat hindi ko ginawa 'yon eh, baka madamay ang taekwondo club."

"Don't worry hindi naman siya dapat gawing big deal dahil maliwanag ang nangyari na she bullied you and ipinag-tanggol mo lang ang sarili mo."

Napangiti ako ng bahagya.

"Salamat."

Natahimik kami ng ilang segundo.

"Hmm by the way, paano kayo nagka-kilala ni Warren?"

Napatingin ako sa kanya bigla.

"Ahm , dahil lang din sa isang kaibigan."

"And who?"

Shet! Sasabihin ko ba?

"Isa lang ang kilala kong malapit na kaibigan ni Warren, si Rayden?"- she ask

Napalunok ako.

Napatingin siya sa akin ng diretso.

"Wait, oo nga pala palagi kang kasama ni Rayden dito sa campus. Na-chismis pa nga na girlfriend ka nya pero sabi din ng iba bodyguard ka nya?"- halatang hindi siya sure sa sinasabi nya

Napahinga ako ng malalim.

"Ahm sa totoo nyan , bodyguard nya talaga ako."- sambit ko nalang

"Really? So dahil dun, doon kayo nagkakilala ni Warren?"

Tumango nalang ako, siya din napatango-tango nalang.

"Mag-bestfriend kayo diba?"- i ask her

Parang medyo nagulat siya sa tanong ko.

"Hmm yeah."- sagot nya

"Pero bakit hindi ko pa ata kayo nakikitang mag-usap?"- eme ko

Napabuntong hininga siya.

"May sasabihin ako, pero sana huwag nalang natin sabihin kay Warren ha or sa kahit na sino."

Ngumiti ako at tumango.

"Sa totoo nyan magkababata kami ni Warren since grade school. As in lumaki kaming laging magkasama, itinuring ko siyang parang kapatid ko noong magha-high school kami. Pero dumating yung time na nag-iiba, nag-iiba ang tingin ko sa kanya."

"Nag-iiba?"- i ask

"Hindi na kaibigan ang tingin ko sa kanya."

Medyo na-shook ako.

"Ibig sabihin nagkagusto ka sa kanya dati pa?"- i ask

Tumango siya habang nakangiti.

"I tried to confess to him but .. hindi pa ako nakakaamin alam kong friend zone na ko."

"Bakit naman?"

"Dahil nilakad nya sa akin si Richard, ang boyfriend ko ngayon."

Halos manlaki ang dalawang mata ko, nyeta talaga 'yon si Warren oh. Hays!

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon