Chapter 40

51 5 0
                                    

[Chapter 40]

*****

"Heto."- sabay abot sa akin ni Jiro ng 10k

Kinuha ko 'yon ng marahan at hinawakan ng mabuti.

"Okay na ba yan? Baka kulang?"

"10k naman ang usapan natin ha?"

"Yeah, pero kailangan mo yan para sa Papa mo hindi ba? Tell me kung kulang pa, dadagdagan ko."

Napahinga ako ng malalim.

"Hindi na, ayos na 'to. Salamat."

"Really?"

Tumango ako at ngumiti.

"Sige na, uuwi na ako."

"Ihahatid na kita."

"Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako."

"Oh sige, ikaw ang bahala."

____________________________

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Rayden, medyo kinakabahan ako. Pero gusto ko siyang makita at kamustahin. Tsk, nag-aalala ako sa kanya ng sobra. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman ang lagay nya ngayon.


*BEEEEPPP.BEEEEPPPP*

Napalingon ako at agad na napatabi sa gilid ng may humintong kotse likuran ko. Nasilaw pa ako dahil nagpa-ilaw ito ng malakas. Pero maya-maya narealize ko kung kanino ang sasakyan na 'to.

Sasakyan 'to ng pamilya nila Rayden.

Hindi nagtagal at napalunok pa ako dahil lumabas ang Mommy ni Rayden.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"M-Ma'am Lilibeth .."

Lumapit siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?! Kung akala mo makikita mo dito si Rayden puwes, hindi mo siya makikita at hindi rin ako papayag na magkita pa kayo ng anak ko!"- galit nyang sambit at agad akong hinila palayo sa gate nila

"Sandali lang po, gusto ko lang pong malaman kung kumusta po ang lagay nya."

"Oh come on, Alee. Hindi ka na bodyguard ng anak ko at mas lalong wala kang pakielam kung ano ang kalagayan nya ngayon."

"Pero Ma'am Lilibeth .."

"Umalis ka na Alee! Umalis ka na!"- sambit nya at agad akong tinulak

Wala na akong magawa kundi umalis na.

_______________________________

Pagdating ko sa hospital nakita ko si Papa na gising na, halos maiyak ako at agad na lumapit sa kanya.

"Pa!"- agad ko siyang niyakap

Hindi ko alam pero halos bumuhos lahat ng luha ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Oh bakit ka umiiyak?"

Hindi ako sumasagot.

Gusto kong umiyak ng umiyak.

"Anak?"- inilayo ako ni Papa at marahan na pinunasan ang pisnge ko

"May pinag-dadaanan ka ba?"

Umiling ako.

"Sabihin mo sa akin kung bakit ka ngayon nasasaktan ng ganyan."

"S-Si Rayden po kasi .. h-hindi ko po alam kung na pong lagay nya ngayon, n-natatakot po ako Pa, natatakot ako na baka ng dahil sa akin lumabas at lumala ang sakit nya."

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon