Chapter 31

65 4 0
                                    

[Chapter 31]

*****

Three days after ..

Hindi ko masyadong nakikita si Rayden dahil ang alam ko busy sya lagi sa kampanya ng school. Remember? Sya ang ginawang model ng student council para sa kampanya ng eskwelahan.

Ang kwento sa akin ni Warren hindi sya pinapansin o tinatawagan pa ni Rayden simula nung nag-usap kami. Ibig sabihin hindi pa nakakausap ni Rayden si Warren about sa fake news na sinabi ko nung nakaraan. Hays!

Naglalakad ako ngayon dito sa corridor nang mapansin ko na kinakabit na ng mga janitors yung poster ni Rayden para sa kampanya.

Lumapit ako doon ng marahan at pinagmasdan ang mga kuha nyang larawan. Hindi mapagkakaila na isa talaga siyang ganap na modelo dahil sa mga pose nya. Hays! Nakakamiss tuloy ang kakulitan nya.

Napatingin naman ako sa isang kinabit na poster.

Silang dalawa ni Sherlyn sa isang poster na 'to. Yung kuha nila noong nag-photoshoot sila bilang Princess and Prince. Heto ang nilagay nila sa poster dahil bagay na bagay na sample para sa isang Prom Night ng isang unibersidad.

Habang pinagmamasdan ko ang poster na magkasama silang dalawa pakiramdam ko may tumutusok sa dibdib ko. Bakit ang sakit? Picture lang 'to na magkatabi silang dalawa pero nasasaktan na ako. Paano pa kaya kung makita ko silang dala--- . Napatigil ako bigla nang makita ko silang dalawa na naglalakad habang nag-uusap pa-direksyon sa akin.

Napalunok ako ..

Iiwas sana ako pero hindi ko magawa, hindi makagalaw ang mga paa ko. Hanggang sa naglakad na sila sa tabi ko at lumampas na sa akin.

Parang tumigil ang mundo ko dahil para akong parte ng pader na nasa tabi ko na dinaanan lang ng tao at hindi pinansin.

A-Ang sakit .. kitang-kita ko yung mga mata ni Rayden na naka-focus kay Sherlyn. Bakit ganito? bakit naiiyak ako??? Well tama naman 'tong nangyayari diba? Tama lang na iwasan nya ako at ituring na parang hindi kilala.

Pero hindi ko inaasahan na ganito ka-sakit. Sobrang sakit! Matapang ako na tao pero bakit sa kanya nadudurog ang puso ko?

Tumingala ako at pinunanasan ang dalawang mata ko. Nagmadali na akong umalis doon.

After that dumiretso ako sa registrar para humingi ng permit for exam.

"Ms Forteza?"

"Yes po Ma'am?"- i ask

"Naka-hold ang payment mo for exam, kailangan mo munang magbayad bago kita bigyan ng permit."

Nagulat ako sa nalaman ko.

Naka-hold?

P-Pina- hold ni Rayden ang exam fee ko?

"Ahm magkano po ba kung cash ko po babayaran?"- tanong ko habang kinukuha ang pera sa bulsa ko

"For preliminary exam 40,000."

Napatigil ako bigla at hindi na kinuha ang pera sa bulsa ko.

G-Ganun kamahal ang exam sa eskwelahan na 'to?!

Paano na 'to? Kulang yung pera ko.

"Ah Ma'am hindi po ba pwede sa susunod na exam ko nalang po babayaran?"

"Sorry miss hindi pwede."

Wala akong magawa kundi mapatango ng marahan at umalis na dun.

Umalis ako sa registrar na nanlulumo habang nag-lalakad. Pakiramdaman ko sasabog na yung mga mata ko. Gusto kong umiyak ng umiyak.

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon