Chapter 34

48 3 3
                                    

[Chapter 34]

*****

Last class, habang nasa klase ako tawag ng tawag si Rayden. Alam ko ring nasa labas sya ng classroom ko ngayon pero pilit kong hindi siya tinitignan. Kunwari wala akong alam na nandyan at tumatawag siya.

Hanggang sa natapos ang klase nagsilabas na ang iba kong classmates. Ako naman walang ganang tumayo at nililigpit ang mga gamit ko.

"Love."- he said softly , niyakap nya rin ako mula sa likuran ko at pinatong nya ang chin nya sa balikat ko

"Tumatawag ako sa'yo pero hindi mo ko sinasagot."

"Sorry may klase eh."- sabi ko nalang at lumayo sa kanya sabay sabit ko ng bag ko sa likod ko. Tumingin sa kanya, ngumiti naman siya at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Tinititigan ko ang mga labi nya ngayon. Gusto ko siyang tanungin kung masarap bang humalik si Sherlyn. Tsh!

"Date tayo?"- he ask

"Kailan?"

"Now. Kain tayo sa special restaurant."

Chineck ko yung time, 7pm na.

"Hindi na ako pwede, kailangan kong tulungan si Papa magtinda."

"Magtinda ng alin?"

"Ng balot."

"Balot?"- gulat nyang tanong at natawa pa

Tumango ako.

"Oo, gusto mong sumama?"

"No, hindi na. May shoot din kasi ako bukas kaya hindi ako pwedeng masyadong magpa-gabi ngayon."

"Okay."- yun nalang ang sinabi ko at naglakad na palayo sa kanya.

Pagkalabas namin naglalakad kami ng sabay, nauuna ako sa kanya at siya naman nasa tabi ko.

Tahimik lang.

Hindi ako kumikibo at ganun din siya.

Siguro nahalata nya agad ang mood ko ngayon.

"Are you mad?"- mahina nyang tanong

"Bakit naman ako magagalit?"- tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya habang naglalakad

"Because hindi kita masasamahan magtinda."

"Okay lang naman."

Hinawakan nya ang kamay ko, agad nya akong hinila at inilapit sa kanya.

He kiss me ..

Sa sobrang gulat ko halos hindi na makakurap ang mga mata ko.

Unti-unti nya akong niyayakap sa baewang ko , piniwesto at isinandal nya ako sa poste. Nananatiling nakadilat ang mga mata ko habang hinahalikan nya ako.

Hindi nagtagal huminto siya at dumilat, marahan siyang lumayo sa akin.

"What's wrong?"- he ask me worried

Napalunok ako at napayuko.

"I love you, Alee."- he whispered

Tumingin ako sa kanya, sa mga labi nya. Kapag naaalala ko yung nakita ko kanina gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saktan, pero hindi ko magawa dahil ayokong mag-away kami.

"Alee .."- he said softly

Marahan kong pinulupot ang braso ko sa leeg nya at marahan siyang hinalikan sa mga labi.

Gusto kong maramdaman nya ako.

Gusto kong mawala sa isip nya ang ginawa ni Sherlyn sa kanya kanina.

Gusto ko ang labi ko lang ang makakahalik sa mga labi nya.

When I'm with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon