Chapter 18 Freedom

2.3K 50 9
                                    

Annalise Athena Macardi

Two weeks na ang nakalipas at sa tuwing may oras kami ni Frenan ay nag kikita kami sa rooftop ng Hospital. Kahit na gaano ako kapagod ay mas pinipili ko siyang makasama kesa matulog at magpahinga sa quarters namin. Para sa akin mas nakakapag pahinga ako kapag nararamdaman ko ang presensya niya.

"Annalise!"

Tinignan ko si Marian habang kinukuha ang kutsara at tinidor ko. "Mag kikita nanaman kayo?" kuryosong tanong niya.

"Yes. Bakit mo natanong?" nang-aasar siyang ngumiti at binitawan ang kubyertos niya.

"Kayo na ba?" bakas ang excitement sa kanyang mukha kaya naman medyo napatawa ako.

"Hindi." deretsong sagot ko.

"Ay! Ano ba naman 'yan! Nag kikita, nag hahalikan, nag yayakapan, nag tagawagan na't lahat lahat 'di pa pala kayo!"

Napahinto ako sa sinabi ni Marian at napa-isip. Tama naman si Marian. Halos gawin na namin ang mga ginagawa ng mga mag kasintahan pero wala pang kami. Hindi rin naman siya nanliligaw kaya paano ko siya sasagutin?

"O, natahimik ka dyan?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Nginitian ko nalang siya at itinuro ang pag-kain niya upang hindi ko na siya sagutin.

Matapos ang lunch ay iyon ang laman ng utak ko. Sa buong shift ko ay si Frenan ang laman ng utak ko. Hindi ko alam kung papaano kong nagagawang mag focus sa ginagawa ko habang inuukupa niya ang aking isipan. Sa buong shift ay iniisip ko kung bakit hindi siya nanliligaw.

Ayaw niya ba sa akin? Panandalian lang ba ako sa kanya? Hindi ba ako karapat-dapat na ligawan? O ayaw niya pa bang mag karoon ng kasintahan? At iba pang katanungan ang pumapasok sa utak ko.

"Annalise, akala ko ba mag kikita kayo ngayon? Anong oras na o." sabi ni Marian at doon lang ako natauhan. Agad akong lumabas sa quarters at dali daling umakyat sa rooftop ng Hospital.

"Hey. Sorry I'm late." pag hingi ko ng paumanhin.

"It's okay. Did you eat lunch?" tumango ako sa tanong niya at tinanaw ang tanawin.

Minuto ang lumipas sa aming pagitan at wala pa rin akong balak mag salita. Talagang ukupado ang utak ko sa mga katanungan kong iyon. Gusto kong itanong sa kanya ngunit nahihiya ako. Pakiramdam ko kapag nag tanong ako aayawan niya ako. Baka kung ano pang isipin niya.

"Bakit ka bumubuntong hininga?" hinawakan niya ang bewang ko na naghatid ng kuryente sa aking katawan.

"Wala lang," umiwas ako ng tingin sa kanya at akmang tatanggalin ang kamay niya ngunit hinila niya lang ako palapit.

"What's the problem?" rinig ko ang pag lalambing sa boses niya kaya naman nanghina ang tuhod ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya at ginawa ang lahat upang hindi siya matignan sa mata.

"Did something happened? Hmm?" pilit niyang iniangat ang aking paningin kaya naman ay halos kapusin ako ng hininga ng titigan niya ako.

Hinaplos ni Frenan ang aking pisngi at halos mapapikit ako sa sobrang banayad ng kanyang haplos. "Tell me." Utos niya.

"W-why are we doing this?" nag-aalinlangang wika ko.

"Doing what?"

Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at naglakad papalapit sa may railings at dinama ang hangin.

"All of these. Nagkikita tayo, nag hahalikan, nag yayakapan pero wala namang tayo," bumuntong hininga ako at tsaka siya hinarap. "Nakakalito ang relasyon natin, Frenan."

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now