Chapter 19 Frenan Saavedra

2.5K 54 17
                                    

Annalise Athena Macardi

Pag sapit ng umaga ay excited na excited akong pumuntang Hospital. It's been a while since I last drive my own car and I felt ecstatic! Finally, I can move freely!

Pagbaba ko sa aming dining ay naroon si Mommy at Daddy, masayang kumakain. Lately napapansin ko na palagi nang narito sa bahay ang parents ko. Palagi na silang mag kasama at nag tatawanan. Napakasarap sa pusong tignan silang ganito. Hindi ko alam kung anong nangyari at nag bago si Daddy pero I'm glad.

Mga kapatid ko na lang ang kulang.

"Mom, Dad. Alis na po ako."

Lumingon sila sa akin at agad namang tumayo si Mommy upang lapitan ako. "You should eat muna, anak. You'll be having a long day again."

Nginitian ko si Mommy at hinawakan ang kamay niya. "I'll be fine, mom. Sa hospital na po ako kakain. Nag usap po kasi kami ni Marian na sabay kaming kakain," paliwanag ko.

"O siya, Helena, let her go. Baka mahuli 'yang anak mo at mapagalitan." hindi man sweet ang tono ni Daddy ngunit naantig no'n ang puso ko at nakaramdam ako ng kakaiba.

"Dad," sambit ko.

"I love you."

I saw his expression change. I can see the forming tears in his eyes. This is the first time na sinabi kong mahal ko siya. Sa mga nagdaang taon palagi niya akong pinapagalitan. Palagi niya akong sinisigawan at hindi kinakampihan. Nag tanim ako ng galit sa Daddy ko at nang dahil do'n hindi ko na nasabi kung gaano ko siya ka mahal.

"Annalise..." naiiyak ang tono ni Daddy. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya tsaka hinalikan sa kanyang pisngi.

"Thank you so much for giving me a chance to show you what I can do, Dad. Thank you for letting me do what I want. I love you po." nag lalambing ngunit naiiyak ang boses na sabi ko. Nakita kong tumulo ang luha ni Daddy at agad akong niyakap.

"I'm sorry, anak. I'm so sorry my princess. Kung sana noon pa, edi sana nakapag bond tayo at naging malapit sa isa't isa." emosyonal na aniya.

"It's fine, Dad! We can always do that. Basta ba hindi tayo busy pareho!"

I tried to lighten up the atmosphere dahil sobrang emosyonal ng mga tao sa paligid. Pati nga katulong namin na napadaan at nakarinig ng usapan namin ay nakita kong naluluha.

They're the witnessed kung paano ako itrato ng taty ko. Alam nila lahat, and I know, they're glad that we're finally okay.

"O siya, sige na. Umalis ka na. Let's set a date at mag bobond tayong tatlo." hinalikan ako ni Daddy sa aking sintido na ikinagalak ko.

"Drive safely!" paalala nilang pareho sa akin at kumakaway naman akong umalis ng bahay.

Halos yakapin ko ang manobela nang aking sasakyan ng makasakay ako sa loob. Todo ngiti akong nag drive papuntang Hospital at nang makarating ay nakita ko si Marian na papalabas rin sa kanyang sasakyan.

"Hala! You got your car back!"

Lumapit ako sa kanya at nginitian ng todo. "Uhuh. And Dad said we'll bond!" masayang pamalita ko.

"Really?! O God, I'm so happy for you!" niyakap ako ni Marian ng mahigpit at nag hiwalay lang ng marinig ko ang familiar na boses.

"Wala ba akong hug?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko siya. Nakatayo habang naka spread ang kanyang mga kamay, nang hihingi ng yakap.

"Darling!" sabi ko at tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now