Chapter 11 Kainuyan Island

3.4K 48 0
                                    

Annalise Athena Macardi

Hindi ako nakisalo kila Mommy at Daddy na kumain. Natatakot ako na ipakita ang grades ko dahil sigurado akong pagagalitan ako ni Daddy. Nagpa hatid lang ako ng pag-kain ko sa taas at inayos ko na rin ang nga damit ko na dadalhin ko mamaya sa Isla.

"Yes, Marian?" sagot ko sa tawag nang kaibigan.


["Are you really coming?"] bakas ang saya at pag-aalinlangan sa boses niya.

"Yes. Sunduin mo ako pero make sure na walang makakakita sa'yo. Susubukan kong mag paalam kay Mommy para hindi siya mag-alala nang husto. Alam ko namang papayagan niya ako." sabi ko sa kanya at tumili siya.

["I'm excited na!"] aniya at tumawa lang ako nang mahina.

"I'll hang up na. Nag aayos ako nang gamit ko."

["Sige. Bye!"]

"Wait!" Pigil ko nang marinig ko ang pag-papaalam niya.

["Bakit?"]

"Ilang araw tayo doon?" tanong ko dahil hindi ko nga pala naitanong sa kanya.

["1 week lang."] Sabi niya at nag paalam na ako upang makapag prepare na.

Nag dala ako nang maraming bikini at mga damit na appropriate sa beach. Nag dala rin ako nang mga bagay na kakailanganin ko at nang masigurado kong ayos na ang lahat, itinago ko iyon sa tabi nang kama ko at lumabas sa kwarto upang hanapin si Mommy.

"Mom." tawag ko sa kanya nang makita ko siyang nasa living room.

"Yes, anak?" aniya at pinatay ang pinapanood.

"Can we talk?" tumango si Mommy at tumayo upang sundan ako sa may garden.

"Mom, I have a favor to ask," panimula ko.

"What is it, anak?" malumanay ang boses na ani Mommy.

"Gusto ko po sanang mag paalam." nakatungong sabi ko.

"Paalam? Anong ipapaalam mo?"

"Mag babakasyon po kasi si Marian sa isang Isla. Gusto ko po sanang sumama, Mommy, kaso baka hindi ako payagan ni Daddy. Pwede po bang payagan mo ako at itago kay Daddy ang tungkol rito?" desperadang hingi ko nang pabor sa Mommy ko.

"Of course! I know you've been through a lot these days kaya I want you to unwind and relax kahit ngayon lang." hinaplos ni Mommy ang pisngi ko at napaluha naman ako nang halikan niya ako sa noo.

"I'm sorry for everything, Annalise. I hope one day, you'll find happiness." niyakap ko si Mommy at umiyak sa dibdib niya.

"Mom, I have to confess something." sabi ko habang humihikbi.

"Go on. I'm listening." bulong niya.

"I almost failed my subjects, Mom. I'm sorry for being a dissapointment. Nandyan na po ang report card ko at meroon po akong tres." sabi ko ngunit wala akong narinig na reklamo kay Mommy.

"It's okay, Annalise. Pwede ka pa namang bumawi."

"Pero sabi po ni Daddy, kapag raw po mababa ang grade ko ipapa shift niya ako sa business course. Ayoko 'yun, Mom." umiiyak na sabi ko.

"Ako ang bahala sa Daddy mo."

Inalo ako ni Mommy hanggang sa nailabas ko na ang lahat nang sakit at dissapointment na nararamdaman ko. Gusto kong sabihin kay Mommy ang tungkol kay Paolo, pero natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaction ni Mommy.

Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now