Chapter 26 The Seminar

2.2K 51 7
                                    

Annalise Athena Macardi

"Ann, are you okay?" iyan ang tanong na bumungad sa akin pag mulat nang mga mata ko.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at puro puti ang kulay no'n. May mahabang sofa, TV at mesa. Naroon rin si Mommy at Daddy, naka-upo sa sofa at nasa gilid ko naman si Hernando, tinatanong kung ayos lang ba ako.

"I'm fine," ani ko.


Nanghihina pa rin ang katawan ko ngunit binaliwala ko 'yon at pinilit na bumangon.

"Annalise, 'wag ka na munang bumangon, anak. Kailangan mong mag pahinga. Over fatigue ang nangyari sa'yo." Nag-aalalang ani mommy.


Bumalik ako sa pag kakahiga sa kama at tinignan si Hernando. "When will I be discharge?"


"Kapag naubos na 'yan ay pwede ka nang umuwi. Make sure na magpapahinga ka sa bahay niyo. You don't need to go to the seminar on Friday." Pormal ngunit may bakas na pag-aalala ang boses niya.


"I will attend the seminar. May isang araw pa naman ako upang mag pahinga," deretsong ani ko.


Bumuntong hininga si Hernando at walang nagawa sa gusto ko. "Okay. Just make sure to get enough rest."


Tumango ako sa gusto niya at tinignan naman niya ang mga magulang ko.


"Tita, Tito, aalis na po ako. I need to do my rounds pa po." Magalang na paalam niya at nginitian naman siya ni Mommy at Daddy.


"Thank you, hijo, for taking care of our daughter,"


"Walang anoman po, Tita. Alis na po ako." They smiled at each other before Hernando looked at me and bit his goodbye too.


"He's a good man, isn't it?" biglang sabi ni Daddy nang makalabas na nang tuluyan ang lalaki.


Simula noong lumipat kami rito sa New York ay naging close na kami ni Daddy. I can joke around with him and sometimes I'm sharing my problems with him. I don't really know what happened back then, but I love the way my Dad acts right now.


"Uhuh. He's respectful and responsible. I like him for you, anak." Nginitian ako nang matamis ni mommy kaya wala akong nagawa kundi ngitian rin siya.


"I'm not yet ready to be in a relationship, Mom." Nakita ko ang pag tataka sa mukha ni Mommy kaya sinabi ko ang rason ko.


"I feel like it will be unfair if I will let him be my boyfriend. Para kasing may... kulang sa'kin. Parang may hinahanap 'yung puso ko, pero hindi ko alam kung ano." Natahimik si Mommy at Daddy sa sinabi ko at nag katinginan silang dalawa.


"Annalise, may gusto ka pa bang sabihin sa amin?" malumanay na tanong ni Mommy.


"Mero'n pa po," sabi ko at tinignan sila.


"These past few days, I can see different scenarios or I'm having dreams about this certain man." Kita ko ang gulat sa mukha nila pareho kaya nag taka ako.


"W-what do you really see?" nag taka ako sa paraan nang pag tatanong ni Daddy dahil tila kabado ito.


"Hmm. Like what happened a while ago. 'Yung ang daming patients. Tapos minsan kasama ko si Marian pero may kasama pa kaming isang lalaki. Ang then, 'yung dagat. Sa Dagat po talaga 'yung palagi kong nakikita," binalingan ko ang pwesto nila mommy at nakita kong naluluha ito. "I kept hearing voices na pamilyar sa akin. Tapos 'yung lalaking malabo ang mukha, palagi niya akong tinatawag na "Athena"."


Forgotten Memories [Kainuyan Island Series #2] [Completed]Where stories live. Discover now